Room for Rent

19 May

May bago kameng kinuhang flat dito sa Abu Dhabi, Actually 1 BR flat or studio type lang sana ang hinahanap namin dahil sa padating nga ang family ni bro. Hindi naman kame kakasya sa isang room ni malditang sisterette and lalong hindi naman kame pwedeng magpaalis ng basta basta ng tenants para sa kanila dahil maayos naman silang magbayad makisama.

Nagkataon naman nabakante ang isang Flat sa 3rd Floor ng same din na building, tamang tama dahil nga malapit lang din sa amin, para lang kameng magkakasama and magkakahingian pa rin kung may masarap na ulam hehehe. Ang problema pambayad, saang kamay ng dyos naman kme kukuha ng 40K dirhams na paunang bayad sa bahay. Sa mga di po nakakaalam ang isang 3BR flat dito ang nagkakahalaga ng humigit kumulang isang milyong piso. Yes tama ang nabasa mo ganyan kamahal po ang p@#^%$ renta dito. Ayaw naman  namin pakawalan ang flat na to kase bibihirang may mababakanteng flat dito sa building very accessible kase ang lugar at maayos naman ang mga features ng building bukod pa sa malapit nga rin sa bahay ni sister. Teka! baka isipin nyo kumikita kame ng limpak limpak dito, ginawan lang namin ng paraan ni Bro. ang pambayad. Salamat na lng at maraming mga super bait na kaibigan na nagpahiram sa amin ng pera. Oo tamaa habang binabasa mo ito hanggang leeg ang utang ko. hahaha

So ok na naproduce na ang 1st payment sa Flat ang problema naman ngayon yung pambili ng mga gamit sa bahay. Magmula sa sandok hanggang sa automatic washing machine kailangan iprovide mo. Kailangan mo magpakabit ng intenet at TFC , kailangan mag papest control dahil madaming ipis na iniwan ang mga naunang tumira sa flat, kailangan pang magbayad ng depost at installation sa gas na pangluto at kung anik anik p na gastusin. Sa madaling salita naubos ang credit limit sa credit card namin ni bro. Mah gahd parang gusto ko na gumive up kung pwede lng magtayo na lng ng tent sa park at don manirahan.

Ayun nga naisalba kame ng mahiwagang plastik sa mga gastusin sa bahay ang problema naman ngayon ang pang monthly installment. Kailangan pa namin magbayad ng 6 equal months hanggang sa mabuo namin yung kabuuang bayad sa annual rent. Hindi naman pwedeng doon lang mapunta ang sahod namin paano naman kame kakain at makakapag bayad ng mga kautangan. May tatlong rooms naman na pinauupahan para makadagdag sa pambayad kaya lng dalawa pa lang ang nakukuha at matatapos na ang isang buwan ibig sabihin abono na kme sa isang room. May option namang magpabedspace katulad ng ginagawa ng mga ilang kabayan natin dito. Kaya lang di ba kaya nga kukuha ng bahay para kahit papaano eh maayos ang titirahan natin. Ayoko naman ng pila balde pa pag gagamit ng CR.

Hindi pala ganun kadali humawak ng flat, daming hassle kaya lang wala na tong atrasan, andyan na yan eh. Di naman nila ibabalik ang binayad namin.  Isa na lng ang pinagdadasal ko… Sana bukas umulan ng pera! Lol

11 Responses to “Room for Rent”

  1. doon po sa amin May 19, 2011 at 10:54 am #

    hello, anabanana! gusto ko ang lines na ‘to:

    “parang gusto ko na gumive up kung pwede lng magtayo na lng ng tent sa park at don manirahan.”

    “Isa na lng ang pinagdadasal ko… Sana bukas umulan ng pera! Lol”

    haha! sana umabot rito ang ulan.🙂

  2. tim May 19, 2011 at 12:51 pm #

    hay naku, bills bills everywhere.. Lahat tayo meproblema..

    • ana_banana May 24, 2011 at 4:22 am #

      Korek! buwan buwan problema hehehe
      Thanks for the visit🙂

  3. kaye May 20, 2011 at 1:12 am #

    goodluck sa inyo, Ana.

    Ang alam ko, basta magsisipag at sasabayan ng dasal ang pagsisipag, kakayanin nyo yan! ang mahalaga magkakasama ang pamilya.🙂 wala nang iwanan🙂

    • ana_banana May 24, 2011 at 4:23 am #

      Thanks Mami Kaye! yes, ang importante magkakasama na kame,walang iwanan sa hirap at ginhawa🙂

  4. LordCM May 20, 2011 at 7:30 am #

    Kaya ayaw ko rin lumipat ng ibang bansa bukod dito sa Palau eh, dito kasi di na namin problema ang titirhan, sagot ng kumpanya namin…

    Ayun! Napadaan lang, at goodluck sa inyo🙂

    • ana_banana May 24, 2011 at 4:29 am #

      Uy! Thanks naman po sa dalaw Lord CM! Buti pala kayo at provided ng company, walag problem sa mga monthly bills.

  5. kritikong kiko May 22, 2011 at 12:07 pm #

    may parking ba flat mo? lilipat kame sa villa by next month. ayaw ko ng flat kase walang parking palage. Medyo naka mura ng bahay ngayon, halos kalahati ng last year.

    • ana_banana May 24, 2011 at 4:31 am #

      Yun nga ang isang problem dito walang maayos na parking space. Buti na lang wala akong kotse hehehe

  6. duking May 29, 2011 at 2:42 pm #

    kapag umulan ng pera, sana hindi coins.

  7. BNP June 4, 2011 at 8:42 am #

    Thanks for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame😉

    For site news and updates, check facebook.com/blogsngpinoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: