Bed space

6 Jun

Marami na akong naririnig na mga kwentong hindi maganda tungkol sa mga Pinay dito sa UAE. Madalas pa nga akong makipag argue sa mga ibang lahi partikular na sa mga taxi driver na nasasakyan ko na ang tingin sa mga Pinay eh namemera o mas worst pumapatol sa kung kani kanino. Hindi ko naman din kase alam sa mga iilang kababayan natin kung ano ba talag ang ipinunta nila dito. Napakasakit na nababahiran ang imahe ng mga Pinay dahil sa mga iilang gumagawa ng hindi katanggap tanggap na gawain paano na lng kameng mga dalisay ang puso at busilak ang pagkatao CHOS!

Seryoso! Minsan hindi ko din maisip, dinanas na rin naman natin ang hirap sa Pilipinas, kaya nga tayo nandito para magtrabaho di ba? Hindi ba tayo makatiis na makuntento kung ano ang kinikita natin. May mga kababayan kase tayo na talagang gagawa ng labas sa kabutihang asal para lang mapagbigyan ang sarili, masunod ang luho,  makapag padala sa Pilipinas o kung ano man pansariling kadahilanan. Hindi sa nagmamalinis ako o sabihin nyo ng mapanghusga ako pero naman kase hindi ko rin masasabing kapit sa patalim ang mga gumagawa nito kase malalaman mo na maaayos ang mga trabaho nila dito. Pramis kung magtitipid ka lang dito sa UAE hindi ka kakapusin lalong hindi ka magugutom, mura kaya ng pagkain dito kaya nga lumolobo mga tao eh.

Noon akala ko mga exaggerated lang ang mga nagkukwento sa akin sa mga kakilala nilang ganito ang gawain. Wala pa rin kase akong namemeet na katulad nila personally. Until nga nung kumuha kame ng Flat naghanap kame ng mga tenants. Doon ko nalaman na marami rami pala talaga sila.

Bed spacer # 1 : Nurse, maputi, balingkinitan, 30-35 years old. May asawa (hiwalay daw?), may 3 anak sa Pilipinas. May dyowang Arab.

 Bed spacer # 2 : Beauty Consultant / Technician, maputi, chinita, 30-35 years old May asawa (hiwalay daw?), may 2  anak sa Pilipinas. May dyowang American.

Bed spacer # 3 : Accountant, morena, maliit, 27-30 years old  may asawa (hiwalay daw?), may  2 anak sa Pilipinas. Kasalukuyang 3 buwang buntis sa Briton na Dyowa.

Bed spacer # 4 : Teller, morena, maliit, 27-30 years old  may asawa , may  2 anak sa Pilipinas. May dyowang kapwa Pilipino na may asawa at anak din sa Pilipinas.

Sadya yatang malungkot ang mga pinagdaanan nila o sobra ang pagka homesic nila dito sa bansang to kaya siguro kumukuha sila ng kalinga at pagmamahal. Ayoko manghusga since hindi ko naman alam ang mga pinagdaanan nila sa buhay. Sana lang maging matalino sila sa mga desisyon nila, yung tipong hindi matatapakan ang pagkababae at pagka Pilipina natin at higit sa lahat hindi makakasakit ng damdamin ng mga taong iniwan natin sa Pilipinas.

Hindi pa natatapos dyan ang rants ko sa mga ilang kababayan natin dito, just recently I’ve just read this article in Gulfnews.

Three months in jail for one-night stand
Published: Gulfnews.com on May 19, 2011

Dubai: A young Filipino receptionist has been sentenced to three months in prison after she admitted having a one-night stand in the bathroom of Chi@The Lodge nightclub.

Her sexual escapade with a man she doesn’t know resulted in pregnancy and miscarriage.

H.S., 21, had pleaded guilty to all charges when she first appeared in court on March 22, 2011.

H.S said she went to Chi@The Lodge nightclub behind Al Nasr Club at 9.30pm on December 12 last year to unwind.

She said she was having drinks at the club’s bar when she was approached by a man who befriended her and asked her to join him on the dance floor.

“After dancing for a while, I excused myself to go to the bathroom,” she recalled.

The man followed her, according to prosecution records.

“When I got out of the toilet booth, I was surprised to see him inside the bathroom. I asked him what he was doing there, but he didn’t answer. Instead, he held me and before I knew it he was kissing me and leading me inside the booth,” she testified to police officers at Al Rifffa police station.

H.S. said she later had consensual sex with the man.

Records revealed that she was drunk at that time.

H.S said she doesn’t know the name of the man but described him as of average height and well-built.

“He was from the Philippines. He had a broad body and average height. His body was tanned. He wore a shirt and faded blue jeans,” she told prosecutors.

About a week later, she said, she began to bleed but thought it was due to her menstrual cycle.

She said she didn’t know she was pregnant and had a miscarriage until she was told by doctors at Dubai Hospital where she was admitted for treatment weeks later. Doctors who treated H.S. testified she had had a miscarriage. The Dubai Court of Misdemeanours also fined her Dh1,000 for consuming alcohol. She will be deported after serving her jail term.

Napajawdrop talaga ko… kase alam mo yun ikinuwento pa nya with Flying colors kung paano yung pangyayari. Kase di ba? bago ka pa  pumunta sa bansang to alam mo kung gaano sila kaconservative dito, alam mo kung anong batas meron sila. Hindi tayo dapat gagawa ng makasisira ng pagkatao natin o mga pagsisisihan natin bandang huli.

Haaayyyssst… What to do yanni! Wala naman tayong magagawa hindi natin alam ang laman ng puso at isip nila and besides malalaki na sila alam na nila ang Tama at Mali.

Paunawa:

Ang nasusulat sa taas ay sariling opinyon lamang po ng may akda. Bato Bato sa langit tamaan ay wag magalit.

11 Responses to “Bed space”

  1. kritikong kiko June 6, 2011 at 10:01 am #

    pitong taon na ako dito sa UAE and halos lahat ata ng pinoy nakasalamuha ko na, siguro lahat ay may sariling dahila, pero dalawa lang ang nakikita kong pangunahin dahila, una dahil sa pera, pangala dahil sa lungkot.

    • ana_banana June 10, 2011 at 4:42 am #

      Tama ka Kiko… medyo nakakalungkot lang kase na, we Pinay labelled as “Gold digger”

  2. duking June 6, 2011 at 1:19 pm #

    nakakalungkot.

    kahit naman dito, nangyayari. self respect pa rin talaga ang sukatan kung paano lalakaran ng tao ang mapanuksong landas ng buhay.

    • ana_banana June 10, 2011 at 4:43 am #

      “Self respect” is the key word. Salamat sa pagdalaw idol Duking🙂

  3. kaye June 7, 2011 at 8:34 am #

    awww…sorry to hear (read) this. Matinding kalaban talaga ang kalungkutan…at sana mas maraming Pinoy ang maging mas matatag pa at mapagmahal sa kanilang pamilya.

    • ana_banana June 10, 2011 at 4:46 am #

      Sobrang mahal talaga natin ang family natin that’s why gagawin ang lahat para maibigay sa knila ang magandang buhay . Thanks for dropping by Mami Kaye.

  4. wistandnuts June 7, 2011 at 9:15 am #

    Nakakalungkot yung mga ganyang kwento. Noong bago ako dito akala ko exaggerated lang ang mga kwento, pero totoo pala. Sa simbahan nga sa homily ni Father madalas nagjo-joke na kung totoong asawa daw ba yung kasama nilang nagsisimba.

    Tungkol naman dun sa article, siguro napilitan i-detalye ni kabayan ang kwento dahil sa istilo ng pulis dito na gigipitin talaga nila yung akusado hanggang sa umamin.

    • ana_banana June 10, 2011 at 4:50 am #

      Madalas ngang joke ni father yan… aware din pala sya sa ganitong sistema sa UAE. hehe
      Malamang nga na ginipit din si kabayan sa korte… I’m just posting this article para aware na rin yung mga kabayan natin na this is a serious crime lalo na dito sa Arab countries.

  5. Misalyn June 11, 2011 at 1:57 am #

    Taong 2005 ng dumating ako sa UAE, akala ko nung una, mga exaggerated na kwento lang pero habang tumatagal ako dito nakikita ko talagang totoo. Minsan pa nga pati taxi driver natatanong nila kung bakit ganun ang mga Noypi. Kaya madalas pag lumalabas ako kasama ko talaga ang mga anak ko at asawa ko.

    Kakalungkot isipin pero totoo.

  6. Happy Sole June 19, 2011 at 1:58 am #

    nakakagulat naman ng kwento mo… mahirap manghusga, maaring meron silang mga dahilan. haaay.

  7. robertblanza July 29, 2012 at 9:08 pm #

    hindi katwiran ang kalungkutan para pumatol kahit sino na lng iisa ang nakikita ko d2 sa kalakaran ng ating ka pinayan perapera lng!ang pasimuno yang mga lola at d2 sa dubai.hinihila ang mga baguhan para kumita ng pera sa maling paraan…lam nyo po 15 taon na ako d2 nagsimula lng ang ganyan taong 2000 kasi dati mabibilang mo lng ang pinay d2 sa iyong daliri, ngaun kahit saan meron…,meron d2 meron doon pakistano kasama bukas indiano pag nag sawa balik sa pilipino,,sabi nga ng isang pinay bro. inggit ka lng!sabi ng ibang pinay… ang pinoy kuripot.walang datung,cnu papatol?? mahirap paniwalaan kung kwento lng pero kayo po ang magmasid makakita!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: