Name Game

22 Aug

Isa sa mga dilemma ko nong 1st job ko abroad ay ang pagsagot ng mga phone calls. Prior to my permanent job kase, I was hired as a Front Office Staff (for 2 weeks) sa isang consulting firm dito sa Abu Dhabi and big part of my job is mainly pagsagot ng telepono. Napakasimpleng trabaho kung iisipin kahit hindi degree holder you can beat this job with flying colors, pero hindi dito sa UAE. Ikaw ba naman ang maka encounter ng sari saring accent not to mention the out of this world na mga names.

I encountered lots of weird names especially Indian, Bangladesh, Pakistan etc. The problem is napakahirap na nga i spell ng names nila, you can’t understand pa the pronunciation. Minsan kahit ipa spell ko yung names nila medyo hirap din ako maintindihan, they have different set of  alphabet yata🙂 Like yung “L” they pronounce it as yel then yung letter Z we usually pronounce it as zee pero sa kanila its zed. Some Indian naman Z pronounce as J for example ‘zero’ they say it as ‘jiro’.

Sige, sabay sabay natin ipractice ang ilang mga Indian Names at subukan spell ng nakatakip ang mata lol.

Sreekumaran Thampi, 

Baburaj Raghavan, 

Prithviraj Chauhan, 

Yogalingam Paramanathan

Arabic names naman medyo madaling ipronounce,  you will notice lang na parang hindi na nag iisip ang mga parents nila, tipong otomatik na pag lalaki yung baby yun na ang name nila . Let’s talk about the most popular arabic name “Mohammad”. They just spell it differently like Mohammed, Mohamad, Mohamed, Muhammad. Some name naman is Ahmed, Ahmad, Mahmoud, Hamid. Kaya pag may tumawag na naghahanap ng ganyang name just get their full name, or else you might give the call to the wrong people. Minsan nga gusto ko i try sumigaw ng “Mohammad” sa Mall, I just want to know how many people will response🙂. Arab people  truly adore this name.

And syempre mawawala ba naman sa list ang mga Briton, isa sa mga sobrang nagpadugo ng ilong ko dito sa UAE. Maganda pa namang pakinggan yung accent nila imported na imported ang dating pero promise mahirap sya intindihan especially kung virgin ang tenga mo sa kanilang accent. Kung bakit naman din kase napakatamad nilang mag pronounce ng salita / name. One time sumagot ako ng isang phone call and  hinahanap nya daw si Po Smison, ilang beses ko talaga pinaulit, kundi ko pa pina spell di ko malalaman na  Paul Smithson pala hinahanap nya. Minsan tuloy I feel so stupid alam mo yun? parang yun lang di mo pa makuha.

Pero infairness ang nice ng mga names nila, lahat yata ng color sa Crayola meron sila:

Charlie Brown, 

David Green, 

Paul White, 

Norman Black 

Now… after more than year, I’m here again at the reception. Our receptionist kase is having her Annual vacation, kaya double job ako ngayon. I can’t help but to compare yung performance ko dati sa ngayon. I improved a lot, sanay na rin ang tenga kong marining ang buhol buhol nilang dila at mga tamad tamaran na pag pronounce ng salita.  Paminsan minsan na lang ako sumasablay mga once a day na lng… hehehe

Ok… Let’s play a game! What are the 1st three names you find in the Word Search Puzzle above.

Mine are Mary, Jonah and Solomon. What’s yours?

15 Responses to “Name Game”

  1. diarynigracia August 22, 2011 at 9:51 pm #

    hahaha… Ana.. diyan ilan lang bisita.. eh kami… ilang daan sa isang branch..ang student… iba’t ibang nationality iyan.. ah…Kaya need talaga ilagay sa list 4 names ng isang bata talaga bahala na iyan kung MOHAMMAD MOHAMMED MOHAMAD MUHAMMED … lol…… araw araw mo kausap mga brit dahil sila ang teachers… at iba’t ibang accent dahil iba ng Europe part iba ng style ng… accent.. tapos mga pangalan ng student assistant ..mga drivers ayan papasok diyan ibat ibang as in kakaibang mga name ng pakistan, indian, bang at srilani…
    Love this SISssy… Two thumbs up!!!

    • ana_banana August 30, 2011 at 5:56 am #

      Hi! Sis, thanks for the visit, mukhang mas mahirap nga dyan sa amin less than hundred lang ang tao pero hirap kabisaduhin ang names….

  2. Geisha August 23, 2011 at 3:59 am #

    ayun oh!

    i got Abel, Mae, Sam, Ken, Jam.. tsaka Geisha…lol

    • ana_banana August 30, 2011 at 5:57 am #

      Parang di ko mahanap yung Geisha hehehe… Thanks for dropping by🙂

  3. Zen August 23, 2011 at 9:36 am #

    I got John, Salome, and Jonah..🙂

  4. kritikong kiko August 25, 2011 at 5:49 am #

    May tama ka Ana, mahirap ngang intindihin ang ibang lahi, lalu na ang mga indiano, nakupo!
    Kung minsa sila pa ang galet kase hindi mo sila maintindihan, noong minsan nakipag away talaga ako, ang sabi ko “try to boil your tongue so that you can speak properly”

    • ana_banana August 30, 2011 at 5:59 am #

      hahaha…. tama ka Kiko, sila pa talaga galit di ko na lang pinapasin pag mga ganyan🙂

  5. potsquared August 25, 2011 at 6:17 am #

    Mary, David at Isaiah…

    So ibig bang sabihin Ana na ang tenga mo ay di na virgin?

    • ana_banana August 30, 2011 at 5:59 am #

      hahaha…. loko ka Pot! salamat sa pakikilaro🙂

  6. duking August 25, 2011 at 10:40 am #

    puro biblical character ang names, miss ana.

    i got ‘pee’ and ‘lame’ para maiba naman.haha!

    moses, samson and solomon.

    madali mag adapt ang pinoy. dito kasi sa atin, hindi ibang lahi kundi ibang region lang, iba na ang bigkas at mismong salita.😀

    • ana_banana August 30, 2011 at 6:01 am #

      oo Duking puro biblical characters… hmmmm mukhang maganda nga humanap ng ibang word maiba naman. Thanks sa dalaw.

  7. timangkey August 26, 2011 at 7:52 pm #

    i got Humiet, Lamekenese, Getoem… somewhere in the world merong naman siguro me name na ganyan.😛

  8. ana_banana August 30, 2011 at 6:02 am #

    hahaha sigurado meron nyan yung iba ngang names di pa mabigkas eh… salamat sa pakikilaro Timangkey~

  9. myfilthyroom September 2, 2011 at 6:03 am #

    ewan ko lang pero magagalit siguro ko sa nanay ko kapag “Baburaj” ang binigay nyang name sa’kin. hehe.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: