Back to School

11 Sep

Today is the start of School year here in UAE… It means a more hectic schedule for me and my daughter. I need to balance my time sa home, work, sideline,blogging and FB.

My daughter Kat is so excited to go back to School, after 6 months of looong vacation. She came here last March after completing her 2nd Grade in the Philippines. This is her 1st time to study abroad and I think she need a little adjustment lang naman sa  bagong environment. Mostly naman kase Filipino Kids din mga classmates nya meron lang mga ilan ilan na ibang lahi mga Half – Half ika nga.

Mahirap din pala yung matagal  nagstop  from Schooling medyo ako yung worry, feeling ko baka nakalimutan nya na yung mga tinuro sa kanya. Puro play, computer games, and movie marathon pa naman ang inatupag nya dito. Wala din kaseng masyadong mapaglibangan ang mga kids… unlike sa Pinas na may mga Physical Activities.

As the School Year start, Maraming adjustment na gagawin. Need namin masanay sa bagong routine, or else I will suffer a lot.

  • Need to Set bed time limits. Lights out at 10 PM. Nasanay kase si Kat na late na magsleep so kailangan ng konteng strict. Madalas pa nga na pag pinapatulog ko sya ng maaga mas nauuna pa ko matulog.
  • Limit computer games and TV –  Remove the power cord if you need to! – This is more challenging for me, sobrang tigas ng ulo talaga ng kids pag mga games na ang pag uusapan. Isama mo pa yung mga favorite TV shows nila. Sobrang fave pa naman nya yung 100 Days to Heaven, medyo late na rin kase ang air time dito sa UAE.
  • Needs to wake up a little early than usual to prepare things she needs fo school. Good thing is walking distance lang yung house namin from School. Kung dati I woke up at 6:30 ngayon mga 5:30 pa lang need ko na gumising.
  • Need to budget my finances, coz I need to set aside money for  school projects, assignments and other extra curricular activities.
  • I should be more patience din, kase sometimes may tantrums ang mga kiddo, andyan yung ayaw gumising ng maaga , Ayaw matulog ng maaga, ayaw gumawa ng assignment.
  • I need to experiment din sa pag prepare ng baon nila sa School para hindi magsawa. Minsan kase ayaw na nilang kainin yung baon nila pag paulit ulit yung pineprepare mo for them. It will result to poor performance sa school pag gutom syempre ang student.

Bilang mommy sobrang excited din ako sa 1st Day nya sa school, parang medyo nakakapanibago lang kase 3 years ko din hindi nagawa tong responsibility ko para sa anak ko. Ngayon ko narealize ang sarap pala maging mommy… Sulit yung pagod, gastos and sacrifice mo para sa anak mo. Specially pag alam mong they gain more knowledge and wisdom.

Oooops It’s 12:30 midnight na pala… I should be in bed na dapat di ba? Till my next post… Expect more blog entry about my Kat’s School experiences.

Good Night!  Ciao🙂

9 Responses to “Back to School”

  1. Misalyn September 12, 2011 at 1:49 am #

    Masarap na mahirap na maging mommy lalo na pag nag-aaral na mga anak although masyadong challenging lalo na pagdating sa pag alalay sa kanilang ugali. Tingin maninibago lang naman ang iyong baby sa ilang subjects at saka sa Arabic. Mandatory kasi dito yan sa UAE kahit hindi Emirati.

    Kami rin daming adjustments dahil back to school na rin mga anak ko. Pero hindi na masyado kasi halos nakaka 5 years na silang nag-aaral dito.

    Goodluck sa atin! :))

    • ana_banana September 12, 2011 at 6:19 am #

      Hi! Misalyn, ayun super excited kame sa Schooling nya dito… May subject nga silang Arabic which is ok naman na matuto sila para atleast kahit mga simple conversation in Arabic naiintindihan nila. Buti ka pa sanay na sanay na ako medyo stress pa ako sa pag gising ng maaga, late din kase ako matulog sa gabi… yun medyo kailangan medyo discipline din sa sarili.
      Thanks for the visit🙂

  2. kritikong kiko September 12, 2011 at 4:43 am #

    saang school nag aral anak mo? sa PISCO or sa bagong 21st century?

    • ana_banana September 12, 2011 at 6:20 am #

      Sa 21st Century sya Kiko… Nagshift na rin kme sa villa near the school para di mahirapan mga kids.

  3. n3tte September 12, 2011 at 5:49 am #

    yey exciting nga yan mommy ana.. felt the same nung umuwi ako nung June. Though it was only a very short vacay, (2 weeks), really enjoyed a lot, making up to the kids.. Nasubukan ko ding maging bisi-bisihan for a week, 1st week ng school sa pinas that time. Nasubukan kong kahit sandali lang, yung maghatid at sundo sa school, nasubukan kong magprepare ng baon..at talagang pramis, na-enjoy ko un, kahit saglit lang!!

    • ana_banana September 12, 2011 at 6:22 am #

      Sarap ng feeling talaga pag nagagawa mo yung responsibilidad mo bilang mommy. Ganyan din ako dati pag bakasyon ko sinusulit ko din talaga yung time ko para sa kanya. Tinataon ko din na Opening ng school yung uwi ko or Christmas season para sulit ang bakasyon.

      Salamat sa pagbisita Nette.🙂

  4. duking September 14, 2011 at 12:15 pm #

    goodluck, miss anna. sigurado akong both of you will do fine sa bagong routine. i’ll say na maswerte ka kase kasama mo sila mismo jan sa UAE. yung ibang mga mommy na OFW, wala nga silang inaasikaso pero lagi silang nag-aalala sa nangyayari sa anak nila habang naiwan dito sa pinas.

    again, goodluck po sa inyo and ingat lagi!

  5. kaye September 15, 2011 at 6:20 am #

    nakakatuwa talagang maging mommy lalo at alam mong ikaw ang naghihirap gawin ang mga bagay para sa mga anak mo. Ibang klase ang satisfaction, di ba? Goodluck sa iyo and especially to Kat. I know she is a bright kid and she will be able to adjust at once🙂

  6. MyYellowBells September 26, 2011 at 6:25 am #

    hello ana, it is good to know na kasama mo na ang anak mo dito. ganon ata talaga maraming adjustments pag nanay ka na. i hope she is coping well in school.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: