Tiangge Shoppers

21 Dec

Ngayong nalalapit na naman ang kapaskuhan, uso na naman ang mga Christmas Bazaar at nagkalat ang mga Christmas Sale sa ating mga paboritong malls. Hindi yata kumpleto ang pasko ng Pinoy kung hindi makakapag Christmas Shopping, likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagbigay pag pasko bukod pa sa kabi kabila ang mga Christmas Parties and hindi mawawala syempre ang exchange gift or monitor monita.

Ang mga bazaar o tiangge ang paboritong shopping destination natin bukod sa mura na eh makakatawad ka pa. Dito ka rin makakakuha ng mga hard to find items, kung gusto mo ng unique na gift para sa iyong love ones.

Sa almost 7 years na pagsali ko sa mga sa mga bazaar (5 years sa Pinas and 2 years dito sa Abu Dhabi) halos naencounter ko na yata ang halos lahat ng klase ng buyer / customer.  Nais kong share ko sa inyo ang iba’t ibang klase ng  shoppers and kanilang attitude sa pagbili. Ikaw? Alin ka  sa mga nasa listahan sa ibaba?

Mr./Ms. Tawad Ito yung buyer na mahilig tumawad. Maaring guilty ang karamihan sa atin dito, syempre sino ba naman ang ayaw makamura di ba? Ang mga ugaling ganito ay likas na sa ating mga Pinoy. Pag ganitong Christmas season Divisoria ang best friend ng mga mamimili. Dito kase talagang uso ang tawaran portion

Mr./Ms. Kuripot– Katulad ni Mr./Ms Tawad napakahilig din tumawad ng buyer na ito. Sila yung tipong kulang na lang eh hingin nila ang paninda mo. Hanggang sa may mapipiga sa’yo eh siguradong uubusin ang lakas mo sa pakikipagtawaran. Sila yung mas madalas na mabusisi at matanong tungkol sa produkto mo at bandang huli hindi rin bibili pag hindi mo binigay sa tawad na gusto nila.

Free willy  Ito naman ang buyer mahilig sa free items, free taste, free gifts buy one take one. Sila yung mahilig sa mga naka bundle na items halimbawa ice cream na may libreng apa at sprinkle, yung keso na may libreng pang gadgad, alak na may libre t-shirt, sigarilyong may libreng lung cancer (loljoke)

Silent buyer – Itong buyer na ito yung tipong nagmamasid lang… parang may sariling mundo kadalasan ayaw nila ng may susunod sunod na sales staff sa kanila. Ang nakakagulat sa kanila pag may nagustuhan items walang tanong tanong tungkol sa items walang tawad tawad voila ibalot mo na at baka magbago ang isip nya.

Fancy buyer – Sila naman ang mga buyer na madaling maatract sa mga magagandang items regardless of the price basta nagustuhan nila ang design siguradong hindi yan aalis sa shop mo ng walang bitbit. Kadalasang babae ang mga buyer na ganito and nasa mataas na antas ng pamumuhay.

Money Pacquiao – Sila naman ang mga mahihilig bumili in bulk o mahilig mamakyaw ng tinda para ire-sell or ipamumod sa kanilang constituents. Sila yung mga mahilig sumideline /dumiskarte sa mga opisina sa pamamagitan ng pagtitinda ng hulugan o gives gives.

Storyteller – Sila naman ang mga customer na napakamakwento tipong naikwento na nya ang buong buhay nya bago pa sila makapili ng gusto nilang bilhin. Ang mga tulad nila eh tumatagal ng 30 mins hanggang 1 hour silang nakatambay sa shop mo. Madalas na nakakaaliw ang mga taong katulad nila lalo na kung hindi peak na araw pero nakakainis rin minsan pag nakakistorbo na.

So far yan pa lang naman ang mga naencounter ko, for sure marami pang buyer na umaatitude ang masasalamuha ko pa in the near future. Pero regardless ko ano mang buying behavior meron sila kailangan pa rin ang good customer service. Tandaan sila ang bumubuhay sa business mo kaya wala tayong karapatang mag inarte sa kung ano ang mga gusto nila. Masarap din kase sa pakiramdam na nasatisfy sila or nagustuhan nila yung products na ibenebenta mo, siguradong babalik balikan ka nyan at malamang sila na ang susi sa pagyaman mo. hahaha

Happy Shopping sa inyong lahat! Maligayang Pasko🙂

2 Responses to “Tiangge Shoppers”

  1. kassidy December 21, 2011 at 7:07 pm #

    nakakamis magshopping sa mga tiangge, mahilig din ako noon. ako di ako marunong tumawad kaya mama ko ang tumatawad para sa akin🙂. maligayang pasko din sa’yo.

  2. Gracie February 16, 2012 at 6:30 pm #

    hehe naaliw ako dito. nahagip ako dun sa silent killer, ouch buyer pala! nice one, gandang gabi po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: