Who is Ana Banana?

Hi! I’m Ana Banana… A Proud Pinay Expat blogger based in Abu Dhabi UAE, blogging about Life in Sandpit. I’m happily married and w/ 1 cute and adorable daughter who inspires me to work harder and be responsible person. This blog serves as my online Diary, feel free to explore.

10 Things about Ana Banana (isa dyan hindi totoo guess nyo na lng)

1. Napaka clumsy kong tao… hindi pwedeng lumipas ang isang araw na wala akong  ginagawang eksena kung hindi napapatid sa mga cable, natatalisod sa humps, nalalaglag yung hawak kung baso, nasasabit sa alambre. Naiinis na nga ako sa sarili ko minsan kahit nag iingat na ko ganun pa rin… sabi nga ni mama ko wala daw akong ka finesse finesse kung kumilos laging nagmamadali parang laging may hinahabol.

2. Memory Gap – yan ang tawag sa aking ng kapatid kong maldita… isa pa yan sa matagal ko ng problema napakamalilimutin ko. Madalas yung eye glass, wristwatch, earrings pag hinubad ko di ko na maalala kung saan ko naipatong. Ganun daw talaga pag nainjekan na ng anesthesia. Naalala ko pang sabi ni madir sa akin nung nasa Pinas pa ko. Buti na lng yung p_kp_k mo nakakabit kung hindi matagal mo ng naiwan kung saan.

3. Napakahilig  ko sa prutas lalong lalo na sa maasim… pag apple gusto ko green, ubas gusto ko green din, mango gusto ko manibalang. Halos lahat ng prutas kinakain ko maliban lang sa chiko… para kase akong kumakain ng buhangin eh.. lols.

4. Isa o dalawang beses pa lang ako nakapag pa Salon, pagupit, pa manicure/pedicure, kulot, blow dry, make up at kung anik anik pa. Nung nasa Pinas pa kase ako mama ko lng ang gumagawa sa akin ng lahat ng yan. Nung napadpad naman ako sa UAE yung maldita kong sister naman ang nagugupit sa akin. Ayaw ko kase ipahawak sa iba yung buhok ko kase pag pangit ang gupit umiiyak ako eh.. lols

5. Hindi ako nag yoyosi pero marunong akong magyosi. Pag nag aaya kase mga kapatid at mga friends kong mag bar at lahat sila nagyoyosi nakikiyosi na rin ako kesa naman malanghap ko yung mga usok na binubuga nila. If you can’t beat them… join them di ba!

6. Super dry ng balat ko… kahit yata isang tambak na lotion at moisturizer ang ipahid ko dito tuyot at magaspang pa rin.  Ang advantage nga lang sa pagiging dry di ako masyadong tinutubuan ng tagyawat. Pag yaman ko nga papa alaga ako kay Vicky Belo… (Only Belo touches my skin… who touches yours)

7. Late bloomer ako 4th year High School na ko naging ganap na dalaga nagka mens. 4th year HS na din ako unang nagkaroon ng boyfriend at halos lahat ng naging boyfriend ko mas bata sa akin. Isa lng ang older sa akin  pero sya yung pinakasweet at caring .

8. Nagka syota ako ng tibo na maganda pa kesa sa akin (as if naman maganda ko)… as in binibigyan ako ng  white rose lage tapos pinapadalan ako ng snack. Tapos ang lambot pala ng labi ng babae no… lols.

9. Nahuli kame nung HS classmate ko na nag shoshoplift yung parang horoscope yata yun na nakascroll. May mystery shopper pala na pagala gala at nagmamasid masid sa paligid. Uso kase sa amin nung HS yung payabangan ng mga napitik na ballpen, mechanical pencil at kung ano ano pa. Pipicturan daw dapat kme at ididisplay buti na lng wala silang nahanap na camera.

10. Mahina ako sa direksyon di ko ma identify kung saan yung North, East, South, West. Tapos nalilito ako sa kaliwat kanan, oo tangga na kung tangga, madalas nga akong batukan ni hubby ko pag nag papractice driving ako sabi nya kumaliwa tapos gulat siya bigla ako kumanan. he.he.he.

The Name

The girl’s name Ana \a-na\ is pronounced AHN-ah. It is of Hebrew origin, and its meaning is “favoredgrace”. Spanish variant of Anne. Ana is often used in blended names like Analee and Anarosa.

The Sign

People born under Virgo zodiac sign are not the ones who love limelight. They are rarely seen in social circles. They are perfectionists, and do not tolerate overt faults. They maintain a composed look on the outside, but inside they are as anxious as anybody else. Worrying is their second name. Though they are gentle, they can be irritated if picked on continuously. They hate delays and putting off things. They are not exactly overgenerous and do not like to depend on anyone or ask favors.

Virgo Love Traits

  • Virgos are highly trustworthy and genuine in their relationships.
  • They are not too demonstrative in love.
  • They are very considerate of the ones who are important to them.
  • They are very committed in any relation.
  • You will hardly find Virgo who is not protective of his relationships.
Perfect Love Match : Taurus, Capricorn and Virgo.

28 Responses to “Who is Ana Banana?”

  1. kulot May 27, 2008 at 7:58 am #

    curious lang po, anong movie na kasi yung name nung babae is anna banana, yung pinag aagawan sya nung magkaibigan which is parang religious leader yung isang guys?

  2. Aling Baby July 6, 2008 at 9:53 am #

    uyyzz, ana pareho kayo ng lablayp ko ng sign. mababait ang mga under ng sign na yan at mahaba ang pasensya.🙂 naks naman.

    na-add na kita sa blogroll ko.😀

  3. lhay August 25, 2008 at 8:12 pm #

    lahat ng virgo, magaganda, napatunayan na namin ni anna yan…

  4. Marc September 13, 2008 at 12:50 am #

    Thanks sa comment! We’re so happy syempre for d first time may ng comment sa blog ko na di ko pinilit. hehe! BTW i’ll Add you in my roll! i’ll visit your blog everyday!

  5. muymuy November 15, 2008 at 6:16 am #

    halu!..we really have something in common bukod sa parehas tayong clumsy…VIRGO rin kasi ang sign ko eh…totoo ang definition mo sa Virgo…meron nga akong kilala galit na galit sa Virgo eh…heheheh

    …pa-add po salamat!…

  6. reinvaldez November 18, 2008 at 6:50 am #

    Mabuhay po kayo🙂

    Ingats po kayo diyan….

    Nagmamahal,
    Rein Valdez

  7. barrycyrus November 24, 2008 at 7:40 am #

    im a virgo too haha la lang

    napadaan

  8. readnshare March 28, 2009 at 11:10 am #

    I love your site. Keep it up !

  9. kaye November 4, 2009 at 2:51 am #

    Hi. first time here to comment, as well. thanks again for dropping by my site.

    anyway, reading through what you wrote here, I found myself nodding a lot of times to what you said kasi I found myself in the same situations as you did. I am also clumsy, and my mom has told me the same things a lot of times, too. haha! even my daughter considers it a miracle kapag kumain kami at walang mga dumi ang damit ko. hahahah!

    memory gap–oh yeah. have had this, too! hehehe…3 kids, you know!

    di din ako mahilig magpasalon, but how I wish my mom or sisters knew how to do all those things… tipid sana at sigurado ka pang aalagaan ka. hehehe

    and yes, anh gina ko din sa pagkuha ng direction. pwedeng pwede nga ako iligaw pag umaalis kami at pumupunta kung saan. that’s why i hate commuting kasi takot ako mawala. hahaha! and I am lucky I married a guy who is not just a very good driver but also good at remembering directions. hahaha!

    have a great day!

  10. Sikat ang Pinoy January 16, 2010 at 11:05 pm #

    Hi! Pwede po ba makipag link exchange? Ang website ko po ay ito:
    URL: http://www.walakasaloloko.info
    Title: Sikat ang Pinoy – Wala ka sa LOLO ko

    Mangyaring paki-email po ako sa walakasaloloko@gmail.com para mabigyang pansin agad namin ang iyong mabilis na pag aksyon at mailagay din ang iyong website sa aming listahan. Maraming Salamat Po!

    http://www.walakasaloloko.info

  11. bongkito January 20, 2010 at 5:02 am #

    hi ana! as promised here i am. at funny to read about you and everything that you’ve gone (i think). kasi talagang describing yourself does remind me of my better half Kaye (post above). but am thankful that I’m there always for her, in the same way that she’s there for me.

    ill visit you one of these days ulit. and thanks for dropping by sa bangkito ko. tambay ka lang if you want ha?

    ingats po lagi!

  12. MG March 21, 2010 at 3:30 pm #

    Hi teh,

    you’ve got a nice blogs really…

    keep blogging…

  13. J. Kulisap April 25, 2010 at 3:16 am #

    Hi Ana.

    Maraming salamat sa katapatan mo.

    Tunay ngang ang buhay ay may direksyon at kinapupuntahan.

  14. Crosby Turner June 19, 2010 at 6:18 am #

    anyway, reading through what you wrote here, I found myself nodding a lot of times to what you said kasi I found myself in the same situations as you did. I am also clumsy, and my mom has told me the same things a lot of times, too. haha! even my daughter considers it a miracle kapag kumain kami at walang mga dumi ang damit ko. hahahah!
    +1

  15. Jun September 1, 2010 at 7:41 am #

    baka may kakilala ka dyang dalaga na mahilig magfarming, mga nakikilala ko ksi puro tamadski

  16. partofyou November 8, 2010 at 8:42 pm #

    fwend na kami, wehehe!
    have a nice life Anna!

  17. ara November 24, 2010 at 11:47 pm #

    may mga about you na pareho tayo….unang una, ang pagiging under Virgo sign. 2nd is yong grabeng pagkakaron ng memory gap and last but not the least…may syotang tibo

  18. Earvs July 2, 2011 at 3:17 am #

    Good morning! I am Earvin Cabalquinto, a graduating student at UP Open University (Distance Education). I’m taking up Masters in Development Communication.

    I am doing my thesis right now and the topic is about OFW blogging. I would like to invite you to be part. Should you be interested, please email me at ecabalquinto@gmail.com

    I would love to have your blog as one of the respondents in this benchmark study at the University of the Philippines.

    • ana_banana July 2, 2011 at 7:40 pm #

      Hi! Earvin, It’s my pleasure to be part of your thesis. How can I help?

  19. Cashsense, Inc. October 17, 2011 at 5:10 am #

    Dear Affiliate,

    Cashsense is pleased to invite you to generate online earnings via participation in its Associate Reward program.

    Features include:

    * Ongoing recurring income programs – substantial and sustainable
    * Exclusive Cashdeals from Cashsense merchants – big discounts, high revenues
    * Affiliate Payout:
    o by free VISA ATM card
    o in days, not weeks
    o zero fees for PHP 2,500+

    u·nique – adjective having no like or equal; unparalleled; incomparable

    By Filipinos, for Filipinos.

    Register now at https://associate.cashsense.com and start earning.

  20. reichelle ako dude March 3, 2012 at 8:42 am #

    ikaw ba yun tinutukoy ni derek lorenzo sa commercial niya?

  21. Kismette Cepe March 30, 2012 at 10:52 am #

    Hi I read you cebu-bohol trip. please send me the details of the driver🙂

  22. EK Encarnacion May 28, 2012 at 2:53 am #

    i love your site! ang catchy. sana po ay mafeature niyo din dito yung anak niyo na sumasayaw ng song!🙂 tapos kiniclick niyo din sa youtube yung like button! malay niyo po maging star siya! keep blogging!

    Yours,
    EK Encarnacion ng Every-Comedy-Thing

  23. agosto September 27, 2012 at 11:46 am #

    hello anna, plan ko din mag KC… ngaun.. so far kamusta si KC nyo? nways working din ako sa AUH pero DXB ako pauwi2x…kya nag decide ako na bumili nalang.kce ganun din….pls send me feedback kasama ng agent mo bka mkuha ko pa ung 3 months na alang bayad..hehehehe…d mo alam bka may kumisyon ka pa!😛

  24. Foodie Bugi October 28, 2012 at 8:38 am #

    Nice to have a network here in UAE! Cheers!
    Yallah! Chibugan na!🙂

  25. Vivien Ng June 28, 2013 at 8:48 am #

    Hello!

    I’m from an advertising agency and we have a client who is interested in advertising within the UAE region. Would you be interested in placing advertisements on your blog as well as writing a couple of advertorials for us?

    Do drop me an email for more information and to discuss on the rates!

    Thanks!

  26. Joan Mae November 27, 2014 at 11:04 am #

    Hello, Mommy Ana,
    Sorry po pero sobrang love ko po ang chiko.heheh.. totoo po parang buhangin nga talaga. hahah..

Trackbacks/Pingbacks

  1. Liebster Award | - November 25, 2012

    […] Who is Ana Banana? […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: