Archive | Anniversary RSS feed for this section

6th

28 Mar

Whoah! 6 years in blogging! I know I haven’t update my blog for a few months now, but today i had this strong feeling that I need to log in after over a month of hiatus. I was surprise to see my notification from WP, congratulates me for my 6 years.  I really missing the old time, old blogger friends, old readers.

Thanks WP! I hope I can find more time to update my blog. See you next post. Its hard to make an entry using iphone. Seriously it took me half an hour to finish this short message. Lol

Happy 6 years to me!

six

5 Years!

20 Mar

When I opened my WordPress Account this morning and click some notifications, I was surprised to know that 4 days ago I am in my 5th year in blogging.

5 years

I can’t believe I almost missed my 5th Year Anniversary in blogging. March 16, 2008 when I published my very first post in WordPress. It is indeed a milestone for me, Five years of sharing my feelings, thoughts, experiences, everything about me, being an OFW, family life.

As much as I want to update my blog, It is impossible for me because of my very hectic sched. I was trying to squeeze my time in work, family, business, sidelines in 24 hours. I just hope I can find time to share my stories. I terribly missed blogging.

I’m thankful to those people who still visiting my blog despite luck of updates. I hope you find something useful in my blog. Glad to have 123,555 visitors up to this date.

blog visitor

So, what else should I say… THANK YOU! Happy 5 years to me. Hope for more blogging years! 🙂

It’s my 4th Year!

16 Mar

What a special day indeed…. It’s my 4th year in blogging!

Grabe! ang bilis sobra parang kelan lang nung unang taon ko sa blogging na nasundan ng pangalwa at pangatlo.

As I celebrate my 4 years share ko lang yung 4 favorite post of mine, mga post na tumatak sa puso ko at mga readers.

1. My Cebu – Bohol Trip – Very special sa akin tong post na to kase ito yung 1st out of town trip namin ng family ko… yung as in malayo, madalas kase sa mga malalapit na lugar lang kme nakakapamsyal dati. Ito yung unang sakay sa airplane ng junakis ko at ng mga pamangkin ko. Sobra ang bonding moment namin ng family ko , super saya!

Aside from that ito yung post ko na sandamakmak ang comment and till date pinaka maraming views. Feeling ko madami dami rin akong natulungang mga gustong mag travel and ang dami na rin kinita ng mga nirecommend kong driver and tour guide.

2. Pamilyang OFW – Super memorable din tong post ko na to kase ito yung 1st time kung sumali sa blogging contest. Hindi man pinalad na manalo yung entry ko It’s my previledged pa rin na I became a PEBA Nominee and also I had a chance share my experience being an OFW.

3. 1st Eye Ball with UAE Bloggers – Remarkable din itong post ko na ito kase ito yung unang meet ups ko with some bloggers from UAE. First time ko makipag EB and I enjoy it. Iba rin pala talaga yung magkakilala lang kayo sa blogsphere tapos nameet mo in person ibang iba ang personality nila may maingay sa blogsphere sa personal naman tahimik meron namang mayabang sa blog pero humble naman in person.

4. Balik-bayan box – Isa din ito sa mga paborito kong post kase para sa akin ito yung pinakajoy ng isang OFW ang makapag pa package sa mahal sa buhay natin sa Pinas. Priceless talaga pag nakita mo kung gaano sila kasaya sa mga pasalubong mo. I experienced din kase makatanggap nito galing naman sa Dad ko na isa din OFW.

Ito din yung entry ko na naisama sa talakayan sa isang pagtitipon ng mga eksperto sa lingwistiko sa Filipino na ginanap sa UP. Medyo nakaka proud din na kahit papaano na rerecognize yung blog ko.

I just want to say thank you for all the readers of this humble blog. I hope I am able to help you in anyway, entertained you and enjoy some of my entry. Sana lang I can find extra time to update this blog more often. Miss those days na sobrang active pa sa blogging and I can interact with my fellow bloggers.  I think my blog needs make over… medyo matagal na rin kase simula nung nagpalit ako ng header and themes. Kailangan ko na rin iupdate ang blog roll ko … karamihan kase ng links hindi na active. Medyo mga napamahal na rin kase yung mga bloggers na nasa link kaya I want them to stay in my side bar kahit hindi na sila active sa blogging…. but need to update it soon… wanna join my blogroll? just give me a shout 🙂

Happy 4th Year to me! 🙂

Page 26 of 366

26 Jan

Today marks one of the most important day in my life… The day I gave my heart to my better half. It’s our 10th Year anniversary! I didn’t imagine 10 years have passed really, It’s like only yesterday.

Thank you Paws for the love and care. For being a good husband and father to our one and only daughter. For being there through ups and down. I know we have lots of differences so please be patience with me as I am to you especially pag my tantrums, may mali mali moment…. for sure you’re use to it na hehehe

Thank God for giving another year for us. May you continue to bless and guide us in our future plans. Please Lord grant our big wishes… another cute and healthy baby. Thank you Lord!

3 years and counting….

16 Mar

This day marks one of the important events in my life! Yehey… It’s the 3rd Anniversary of Ana Banana’s Blog. I know! It’s not a big deal… walang mangengelam hehe

It’s been 3 years na pala since I started blogging… time flies so fast really, parang kailan lang noong naghahanap ako ng pwedeng pagkalibangan sa office and I met blogging nga. Imagine that time, 1st 3 months ko dito sa UAE as in walang magawa sa office, they just started the project so wala pang masyadong paperwork. Through blogging lumipas ang oras ko ng may kabuluhan.  I’ve learn a lot, laugh a lot sa mga post ng mga fave kong blog noon.  Medyo nakakasad nga lang kase yung mga blog na madalas kong tambayan noon eh medyo nag hiatus na or just stop blogging for some personal reason.

I find this blog as my bestfriend, andyan sya thru thick and thin ika nga. Pwede mong sabihan ng mga problem mo and mga rants mo sa buhay na hindi magrereklamo kahit minsan paulit ulit. Kasakasama mo pag masaya ka, may mga gusto kang ishare na good news or gusto mo lang ichismis ang mga experience mo sa buhay.

I just want to say Thank you sa mga patuloy na dumadalaw sa blog ko, sa mga naliligaw sa pamamagitan ni pareng google, sa mga nakabuddy ko at sa mga naging friends through blogging. As of this writing, I now have exactly 124 posts (including this post), most of them written by me, with 953 comments and gain 39,817 visits… not bad for a lazy blogger hehehe.

I hope I am able to update my blog more often despite of busy sched at work and family life. I wish for fruitful blogging career (ano daw?) in the future.

Oh wait! There’s more…

It’s my 1st year anniversary din pala sa work ko dito sa UAE! This is my 2nd company, ang umampon sa akin nung sinipa ako sa dati kong work… hehe

Thank you my bread and butter!

Anibersari, Kalayaan atbp.!

4 Jun

June na naman pala… Kalahatian n ng taon at malapit na naman magpasko… haaayyyy sobrang bilis ng araw di mo mamalayan marami ng  nagyari sa buhay mo…..

Noong bata pa ako sobrang excited ako s pag pumapasok na ng buwan ng June… ibig sabihin kase may bago na naman akong gamit sa eskwela… isasama na naman ako ni nanay mamili ng gamit sa National Bookstore at pag may sobrang pera eh kakain din kame ng Spaghetti sa Jollibee. Nakakatuwang pagmasdan ang mga nag gagandahang bags, lunch box at pencil case na may drawing na paborito mong cartoons at mga notebooks na may iba ibang picture ng artista sa That’s Entertainment. Pero dahil hindi naman marami ang pera ni nanay kailangan lng swak sa budget ang pipiliin mong gamit. Super excited din ako nung unang pasok ko sa College pero hindi na dahil sa bagong gamit sa School, mas nakakaexcite yung marami kang mamimeet na mga bagong classmate. At syempre ibang level na rin yun kaya medyo serious ka na sa studies mo.

Pag pumasok na ang ang buwan ng June syempre hindi pwede mawala ang bagyo sa eksena. At syempre pag ganyang malakas ang ulan at hangin madalas eh suspended ang klase. Ang saya sya kaya ng buhay estudyante pag ganyang iniannounce na ng Pag- Asa na walang pasok. Minsan lng ang nakakainis kung kialan nakapasok ka na sa School saka naman mag aanounce ng suspension. Pero nung College ako gustong gusto ko yung ganyang eksena kase nakahingi na ko kay mama ng baon hehehe… sa Sm Centerpoint na lng ang diretso.

Isa pang magandang pangyayari pag buwan ng Hunyo eh yung Araw ng Kalayaan… syempre Holiday wala na naman pasok yan, di lang mga estudyante ang matutuwa dahil walang pasok pati mga empleyado kung magtatrabaho ka naman ng araw na yan eh maganda rin kase  tumataginting na double pay ang naghihintay sa’yo, oh di ba ang saya saya.

June din ang paboritong buwan ng mga gusto mag pakasal bakit nga ba? Sabi nila swerte daw lalo na pag 1st day of June ka ikinasal. Totoo kaya yun… hmmmm kahit ano pa yan nasa mag asawa na lng yan kung gaano itatagal ang relationship nila di ba…

Napakahaba ng Pasakalye ko, hehehe… ang gusto ko lang naman eh i greet ng Happy  Anniversary ang Kapatid kong maldita at ang bayaw kong si Jeff. Nasa Pinas sila ngayon for their Annual vacation at icelebrate na rin ang kanilang anniversary. Pasalubong ko ha.

wedding

Happy 1st Wedding anniversary Ayin and Jeff… Wish ko sana magka baby na kayo para naman maipakalat na ang kagandahan ng lahi natin… hehehe


Isang taon na po ako!

16 Mar

Naalala ko ang araw na ito last year , March 16, 2008 nasa office ako, kaka one month ko lang sa work ko dito sa Dubai. Walang masyadong magawa dahil nag sisimula pa lang ang project namin kaya hindi pa ganon ka busy sa  office. Ito ang mga panahon na naiikot ko ang buong blogsphere at nasusundan ko pa ang mga blog entry ng mga paborito kong blogger. Dala na rin siguro ng pagkabagot sinubukan kong mag sign up sa wordpress.com, sabi ko sa sarili ko bakit nga ba hindi kung kaya nilang magsulat siguro naman kakayanin ko rin. Hindi nga lang siguro ganon kaganda at kaartistic ang pagkakasulat kagaya ng iba, pero sabi nga nila kanya kanyang style yan, kanya kanyang trip kung paano mo ilalahad sa mga readers mo ang mensahe or mga karanasan mo sa buhay na gusto mong ishare.

banana-1-yr1banana-cake

Hinalungkat ko sa baul ang unang entry na sinulat ko, short post lang na pag wewelcome sa sarili ko sa mundo ng blogging. At kahit ganon lang kaikli ang sinulat ko may mga naglaan din ng oras para basahin ang blog ko at nag iwan pa ng mga komento. Salamat sa mga unang nakapasyal sa bahay ko na sina lilmiz, jojitah, tukayang Bananie, maldito, at rhapsody. Oh di ba ang gagaling nila he.he.he, sensya na at madalang makapasyal sa mga bahay nyo pero nakatatak na kayo sa kaibuturan ng puso ng saging ko.

Naalala ko rin ang unang blogger na naka YM ko at hanggang ngayon ay walang sawa ko pa rin kachika mapa YM, confe, plurk, FB, FS at kung saan saang sulok pa ng net. Walang iba kung hindi ang ever gorgeous  na si Jen… otomatik yun!.

Maraming salamat sa mga nakilala at mga naging kaibigan ko dito sa blogsphere especially sa mga Kabayan/Kablog ko dito sa UAE (pakisilip na lang sa blog roll ko kung sino sino sila… ang hirap mag link he.he.he.) At syempre sa mga sisters ko/Co-D’s/WPG na sina Tita Libs, Lhay, Issey, Jen sensya na  at madalas nenja mode ako sa plurk kaya late reaction lage he.he.he. medyo wala kase ako sa wisyo nitong mga nakaraang araw.

Sanay patuloy pa tayong magsama sama sa mundong ito kahit hindi tayo magkakakilala ng personal alam ko marami tayong natututunan sa isa’t isa at marami tayong napapasaya sa mga post natin. Alam kong nandito lang tayo habang may naiisip pa tayong pwedeng isulat at habang nakakatype pa tayo ng mga letra sa keyboard natin.

Woooohooooo… Isang taon na Blog ko…. Hanggang sa sususnod pang mga taon! Blog lang ng blog.