Tag Archives: 13th month pay

Merry na Christmas pa!

3 Dec

Christmas Countdown: 21 sleeps, 1 hour, 2 minutes and 12 seconds as of this writing.

Hindi man naging lucky ang pagsasara ng taon in terms of my career, (lucky pa rin pala coz I still completed 1 year ng nagsimula ang recession last year), bonggang bongga naman in terms of Family life. I’m celebrating christmas and new year back home…. wooohooooo!

Naranasan ko na kase magpasko last year dito sa UAE sobrang lungkot hindi kase sinecelebrate  sa mga Arab countries ang christmas kaya may pasok pa rin sa trabaho.  Walang christmas party, walang 13th month pay, walang monito monita, walang santa clause at kung ano ano pang nakaugalian natin pag pasko.  Hindi talaga mapapantayan ang saya ng pasko sa Pinas lalo pa at kasama mo mga mahal mo sa buhay.

Isa sa mga nakaugalian na rin natin noong mga bata pa tayo ay ang pagsasabit ng medyas tuwing christmas eve. Sabi pa ng mga parents natin kung sino ang mas mabait na bata syang mas maraming regalo kay Santa. Dahil naging mabait naman ako ngayong taong 2009 instead magsabit ako ng medyas gagawa na lng ako ng wish list para mabasa ni Santa,  alam ko kaseng hindi kakasya sa medyas ang mga kahilingan ko eh.

My Christmas Wishlist:

  • Memorable 7th Birthday celebration (Under da sea theme) for my daughter Kat.
  • Out of town bonding / lamyerda for my family.
  • New and exciting job next year for me and my hubby.
  • Bouncing baby boy… hehehe
  • and kung hindi man kalabisan kay Santa pakisama na rin ang  ang paypal wishlist na ginawa ko sa facebook:

Ang dami kong wish no! pero kung mahihirapan kang ibigay ang lahat ng yan wag mo na lng kalimutan ang wish ng halos lahat ng tao lalo ng contestant ng mga beauty pageant ang “World Peace”

PS:

Dear Santa, baka maligaw ka sa pasko ha…  wala ako sa Abu Dhabi nasa Pinas na ako till new year baka makalimutan mo lang. hehehe 😀

Salamat in advace!

Merry Christmas sa lahat!