Tag Archives: dubaiyuki

Jack of all Trades Master of None

19 Nov

Sa aming magkakapatid ako yata ang pinaka walang wenta talent, di ko nga alam kung saan ako nagmana parehas namang may talent ang mga magulang ko. Natatandaan ko pa noong Highschool pa lang ako di ko malaman kung anong kursong kukunin ko sa college. Masyadong magulo ang utak ko kase di naman ako magaling sa Math kaya di ako pwede maging Engineer or Accountant. Hindi rin ako magaling sa Art, taong stick lang ang alam ko idrawing kaya hindi rin pwedeng maging Architect. Di rin naman ako ganon ka galing sa Science kaya ayaw ko rin ng Medical courses. Medyo napansin ko lang mahilig ako sa tsismis at masyado akong madaldal sa klase kaya sabi ko Masscom na lang kaya ang kursong kukunin ko.

Enrollment namin kasama ko yung dalawa kung classmate na mag enroll sa  isang Unibersidad sa Sta. Mesa (PUP) pumila sila sa kursong Accountancy, ayun dahil ayaw kong mapahiwalay sa kanila at para sama sama na lng rin kami sa pila doon na rin ako nag enroll. Okey naman sana, pumapasa naman ako sa mga exams, pero ang nakakaasar kailangan lowest 2.0 ka sa mga major subjects mo which is Math, English, Accounting. Pinapataas daw kase nila ang standard nila sa Accontancy dahil maliit na porseyento lng ang pumapasa sa CPA Board exam every year. Eh likas talaga ang pagkabobo ko sa Math ayun 2.25 ang nakuha kong grade at kahit pasado yan kailangan ko ng magremedial class. Sa madaling salita hindi ako nagremedial class kaya pinili ko n lng lumipat ng ibang kurso Business Administration – Marketing.

Sa isip ko ano bang pwedeng maging trabaho ko sa kursong kinuha ko parang walang spesyalidad pwede sa office, sa sales, sa fastfood, sa mall, kahit saan business pwede pero anong position naman ang aaplayan ko. Samakatuwid lahat ng yan napasukan ko Office Clerk, Accounting Staff, Manager sa Fastfood Chain, Sales Rep., Marketing Officer, kusinera, labandera, tubera.

career11

Almost 10 years rin akong nagtrabaho sa ibat ibang company simula ng estudyante pa lng ako hanggang sa nakatapos ako ng kolehiyo. Pero parang wala naman yata akong naipon, minsan nga di umaabot sa sunod na sweldo ang pera  ko kaya madalas naghihingi na ko sa mama ko ng pamasahe para makapasok sa opisina. Doon ko naisipang magbusiness na lng nagsawa na kase ako 8-5 job feeling ko kase para na kong robot, paulit ulit nakakasawa.  Nagtayo na lng  kme ng Family Business Computer Shop, pero walang gaming, more on printing,internet, pc rental, desktop publishing (eg. calling cards, invitation, souveniers) graphic design, computer upgrade and repair basta lahat ng magagawa sa computer ginagawa namin.

Okey naman ang takbo ng business pero parang may gusto pa kong mangyari sa career ko parang gusto kong magkaroon ng title, ng specialization, ng masasabi kong profession ko. Naiinggit kase ako sa dalawa kong kapatid may kadugtong lage sa name nila:

Vener Sarmiento – Web Developer

Airene Sarmiento Manalansan – Engineer

Samantalang ako ano ba pwedeng ilagay ko pag nagpagawa ako ng calling card… wala akong maisip eh.

career-public-speaking

Blessing naman  na inaya ako ng friend ko na mag take ng Masters sa PUP Open University, maganda sya kase parang home study aatend ka lang ng klase once or twice a month sabi ko good opportunity na rin na habang minamanage ko ang family business namin makakapag aral pa ko. So ayun kumuha ng Masters in Educational Management, para naman magkaroon din ako ng title ito rin kase ang pinakamagandang profession na naisip ko na pwede ko ipursue, di ba pwede ko pang pagsabayin ang pagtuturo at pagbibusiness pag nagkataon. 2 semester na rin ang nakukuha ko ng dumating naman ang opportunity ko dito sa Dubai. Ito kaseng kapatid kong maldita pinadalhan ako ng visa at ticket ng walang kaabog abog, akala ko nagbibiro lang na vivisahan nya ako.

Sa madaling salita naunsyami na naman ang nakatakda kong maging titulo…. haaayyyy! di bale mag iipon lang ako ng sandamakmak na pera tapos pagbalik ko sa Pinas itutuloy ko pa rin ang pag aaral ko. At magkaroon na rin ako title sa name ko;

Prof. Analyn Sarmiento Albesa

or

Analyn Sarmiento Albesa – Principal/Directress

Bongga di ba!

Thanks God It’s Friday!

5 Oct

Friday (October 3, 2008) excited ang lahat dahil magkikita ang mga nagagandahan at nagwawapuhang bloggers and plurkers ng UAE. After ilang weeks na pagkukulitan sa plurk nagkasundo ang lahat para mag EB location: Majestic Hotel sa Dubai.

But sad to say! di natuloy ang EB na pinaghandaan ng lahat, Azrael received an emergency call from his boss and needs to go back to Oman immediately. We received SMS message from Lhay forwarded message from Az. We try to call each other kung itutuloy pa namin ang EB because i need to travel for 2 hour from Abu Dhabi to Dubai. I wait confirmation from Lhay kung itutuloy pa ang EB but nagloloko yata ang mobile nya kaya di ko sya makontak and may susunduin pa sya sa Airport ng 9 PM so medyo late din sya makakarating kung sakaling matuloy. Si Sommer naman go pa rin khit medyo may hang over dahil nagpractice uminom (paghahanda sa EB). Si Issey di namin makontak nag beauty rest pala ang Lola, natutulog sya ng mga panahon na yon. Si Rhapsody di yata din makakarating, and si Mumu naghihintay din ng Go Signal. Si Jen, Ligaya at ako magkakausap sa Plurk kung ano na magiging plano….. Mga 5 PM we decided to cancel the EB…Haaaay excited pa naman kming lahat pero ok lang may next time pa naman siguro sa susunod kumpleto na lahat….

Pero blessings din ang di pagkakatuloy na EB biglaan kase ang paglilipat namin ng bahay. Medyo nagkaroon ng problem sa bahay at need na rin namin makalipat nung araw na yon. Kung di kase kame makakalipat kailangan namin magbayad ng rent kase naconsume na namin ang deposit namin sa bahay. Tinawagan namin yung Land Lady ng bahay na lilipatan namin kung pwedeng maglipat nung time rin na yon, pumayag naman sya kahit di pa kme nakakabigay ng downpayment. Sarado kase bank ng Friday kaya di namin na withdraw yung pang deposit sa bahay.

Speaking of Lipat- Bahay, napakahirap humanap ng bahay ngayon dito sa Abu Dhabi di katulad dati na basta may pera ka mabilis makahanap ng lilipatan. Madami na rin kase tao dito sa Abu Dhabi, mas ok kase manirahan dito sa Abu dhabi compared sa Dubai… masyadong crowded and congested, and mas mataas ang cost of living.

Sa totoo lang mas madali pang maghanap ng trabaho dito sa UAE kesa maghanap ng bahay! Ang gara di ba! At ang Rent napakamahal wag na wag mo icoconvert kung ayaw mong himatayin sa panghihinayang. Yung Room na nakuha namin 4500 monthly UAE 4500 x 12 = 54,000 in petot, may goodness sinabi ng wag mag convert kulit!