Tag Archives: papaya

Farmville ni Lolo

16 May

Lumaki ako sa pamilyang simple lang ang estado sa buhay walang karangyaan tinamasa nung akoy sanggol pa hanggang sa nag kaisip na. Isang bagay lang ang  na pede naming isiping yaman ng pamilya naman aside sa Good Looks (hahaha) ang LUPA. Pwede mong isiping mayabang ako kung sasabihin kong mahigit 50 ektarya ang lupa ng pamilya namin sa probinsya. Lupang kung napunta sana sa Metro Manila eh  baka wala na sana ko dito sa disyerto. Ewan ko kung paano nagkaroon ng ganitong kalaking lupain ang lahi namin basta ang pagkakalam ko lang nung panahon na hindi pa uso ang cellphone, internet  at mayaman lang ang meron transistor radio ang lupang pinagyaman mo o tinirahan mo ng mahabang panahon ay mapapasa’yo na.

Ang Lupa ng pamilya namin ay matatagpuan sa isang liblib na bayan ng Camarines Norte. Bayan na parang kulelat sa pagtuklas ng mga bagong teknolohiya, maniwala kang late 90’s na bago sila nag kakuryente sa lugar. Ganyan kaliblib ang lugar namin kaya hindi nila alintana na ang lupang meron sila ay isang malaking kayamanan. Ang ilan sa kanila ay iniisip na isa lang tong malaking espasyo sa mundo na tinutubuan ng mga damo. Kaya ang iba ay nagdedesisyon na ibenta na lang ang lupa, (P 10,000) sampung libong piso ang isang ektaryang lupa kamusta naman yun. Dahil mahirap nga ang pera sa lugar namin kaya mas ninanais na lng nila na ibenta para makaranas naman kahit panandali ng konting kaalwahan sa buhay.

Madalang pa sa patak ng ulan kung kame ay magbakasyon sa probinsya, at sa tuwing matatanaw namin ang aming  mga lupain na ang ilan ay hindi na pag aari ng pamilya mararamdaman mo ang panghihinayang. Ang sarap sanang sabihin ang mga salitang “Lahat ng matatanaw ng mata mo pag aari namin”. Pang mayaman di ba? Pero ngayong unti unti ay lumillit ang pag aari ng pamilya kailangan nang isulong ang Operation Sagip Lupa.

Farmville for Life

Inumpisahan ng kuya at ng aking ama proyekto ang pagbubungkal ng lupa, bagamat mahal din ang gastos sa pagtatanim mabuti ng mag invest ka sa ganito at pamarisan ka ng mga kamag anak mo at mahikayat sila pag yamanin ang lupa nila. Noong nakaraang bakasyon ko sa Pinas ako’y pinalad na makabista sa probinsya namin. Nakakatuwang pagmasdan ang mga tanim nilang papaya.

After 4 months eto na sya:

Di ba konting pagbabanat ng buto at pag sasakripisyo sa pag aalaga nito malaki ang pag asang makaahon tayo sa hirap. How is that mga kamag anak ano pa hinihintay nyo… Tara na’t mag Farmville.

Next Project after Papaya… Calamansi at sana  soon maisakatuparan na rin ang  matagal tagal na rin nireresearch ni kuya tungkol sa pagtatanim ng Kape at Jathropa.

Malay mo in the near  future hindi na namin kailangan makipag sapalaran sa ibang bansa at magtayo na lang ako ng Villa Ana Banana.

Advertisements