Tag Archives: peba

It’s my 4th Year!

16 Mar

What a special day indeed…. It’s my 4th year in blogging!

Grabe! ang bilis sobra parang kelan lang nung unang taon ko sa blogging na nasundan ng pangalwa at pangatlo.

As I celebrate my 4 years share ko lang yung 4 favorite post of mine, mga post na tumatak sa puso ko at mga readers.

1. My Cebu – Bohol Trip – Very special sa akin tong post na to kase ito yung 1st out of town trip namin ng family ko… yung as in malayo, madalas kase sa mga malalapit na lugar lang kme nakakapamsyal dati. Ito yung unang sakay sa airplane ng junakis ko at ng mga pamangkin ko. Sobra ang bonding moment namin ng family ko , super saya!

Aside from that ito yung post ko na sandamakmak ang comment and till date pinaka maraming views. Feeling ko madami dami rin akong natulungang mga gustong mag travel and ang dami na rin kinita ng mga nirecommend kong driver and tour guide.

2. Pamilyang OFW – Super memorable din tong post ko na to kase ito yung 1st time kung sumali sa blogging contest. Hindi man pinalad na manalo yung entry ko It’s my previledged pa rin na I became a PEBA Nominee and also I had a chance share my experience being an OFW.

3. 1st Eye Ball with UAE Bloggers – Remarkable din itong post ko na ito kase ito yung unang meet ups ko with some bloggers from UAE. First time ko makipag EB and I enjoy it. Iba rin pala talaga yung magkakilala lang kayo sa blogsphere tapos nameet mo in person ibang iba ang personality nila may maingay sa blogsphere sa personal naman tahimik meron namang mayabang sa blog pero humble naman in person.

4. Balik-bayan box – Isa din ito sa mga paborito kong post kase para sa akin ito yung pinakajoy ng isang OFW ang makapag pa package sa mahal sa buhay natin sa Pinas. Priceless talaga pag nakita mo kung gaano sila kasaya sa mga pasalubong mo. I experienced din kase makatanggap nito galing naman sa Dad ko na isa din OFW.

Ito din yung entry ko na naisama sa talakayan sa isang pagtitipon ng mga eksperto sa lingwistiko sa Filipino na ginanap sa UP. Medyo nakaka proud din na kahit papaano na rerecognize yung blog ko.

I just want to say thank you for all the readers of this humble blog. I hope I am able to help you in anyway, entertained you and enjoy some of my entry. Sana lang I can find extra time to update this blog more often. Miss those days na sobrang active pa sa blogging and I can interact with my fellow bloggers.  I think my blog needs make over… medyo matagal na rin kase simula nung nagpalit ako ng header and themes. Kailangan ko na rin iupdate ang blog roll ko … karamihan kase ng links hindi na active. Medyo mga napamahal na rin kase yung mga bloggers na nasa link kaya I want them to stay in my side bar kahit hindi na sila active sa blogging…. but need to update it soon… wanna join my blogroll? just give me a shout 🙂

Happy 4th Year to me! 🙂

Pamilyang OFW!

7 Jul

Ang nakaraan

Four years ago sinubukang makipagsapalaran ng bunso kong kapatid sa bansang UAE o mas kilala sa tawag na Dubai. Hindi na bago sa amin ang pangingibang bansa dahil yun ang ipinangtaguyod ng ama ko sa amin magkakapatid. Isa akong anak ng OFW kalahati ng buhay ko ay wala si papa sa aming tabi , mahigit dalawang dekada si papa nagtrabaho sa bansang Arabo, mas piniling lumayo para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Maging si mama ay naranasan din mag abroad, 2 taon syang naging mananahi ng isang prominenteng pamilya sa Riyadh, isang typical na kasambahay no, day-offs, no overtime pay.

Hindi  man lang pumasok sa isip ko na isa sa aming magkakapatid eh pipiliing makapag trabaho sa ibang bansa partikular na sa Middleast. Lahat kameng magkakapatid eh may mga maayos na trabaho at maliit na negosyo na kahit papaano eh nabubuhay ng maayos sa pang araw araw. Bukod pa sa alam namin ang hirap ng buhay na malayo sa Pamilya. Si kuya ay nagsalita na rin minsan na hinding hindi sya mag aabroad, hinding hindi nya pipiliing malayo sa pamilya dahil para sa kanya sipag at tyaga lang ang kailangan maari mo ng marating ang mg pangarap mo sa buhay.

Ang pakikipagsapalaran

Subalit alam natin na walang permanente sa mundo lahat ay pwedeng magbago . Minsan di mo alam may ibang plano pala ang tadhana para sa’yo. To make the story short, matapos ang ilang buwan sumunod na rin ako sa kapatid ko dito sa UAE.

Tuluyan na ring kinain ni kuya ang sinabi nyang di mag aabroad. Pinili na rin nyang makipagsapalaran sa ibang bansa ng subukin sya ng tadhana. Nilimas ng magnanakaw ang computer business nya sa Pilipinas na ilang taon rin niyang pinghirapang ipundar. Bukod pa sa kakapusan dahil sa lumalaking pamilya, kakapanganak lang ng kanyang asawa sa pang apat nilang anak.

Naging maayos ang pakikipagsapalaran namin sa UAE, nabiyayaan ng maayos ayos na trabaho at napupunan naman ang lahat ng pangangailangan ng pamilya. Masaya kame sa puntong ito subalit ang pagkamiss sa pamilya ang unti unting nagpapabigat ng buhay dito sa disyerto. Hindi kailanman matatakpan ng salapi at materyal na bagay ang presensya mo bilang ina, anak at kapatid. Ang mga panahong kailangan nila ng kapiling pag masaya o malungkot man sila.

Ang Bakasyon

Dalawang beses ako kung umuwi sa Pilipinas sa loob ng isang taon, magastos sobra pero aanhin mo ang pera kung ang kapalit naman eh lungkot hindi lamang sa side mo kundi sa mga naiwan mong mahal sa buhay. Kung single lang siguro ako, kaya kong hindi umuwi ng straight 5 years. Ngunit may  anak akong kailangan ng gabay ng isang ina. Wala pang sasaya pa sa isang ina na makita ang kanyang anak na nakangiti at tumatalon sa tuwa habang sinasalubong ka sa Airport, priceless ika nga.

Gustuhin ko mang umuwi sa Pilipinas for good para makasama ko na sila, ang mga pangarap ko para sa kanya ang syang nangingibabaw. Alam kong hindi ko kikitain sa Pilipinas ang kinikita ko dito, alam naman natin kung gaano kahirap ng buhay sa Pilipinas. natatakot akong di sya mapag aral sa maayos na school or maibigay ang gustong gusto nyang laruaan at matikman ang mga paborito nyang pagkain, kaya lagi kong pinagdarasal sa panginoon  na sana isang araw makasama ko sila dito sa Abu Dhabi.

Ang pagdating

Ako na yata ang pinakamasayang tao noong araw na maaproved ang visa ng family ko. Sa wakas magkakasama na ulit kame, personal ko ng magagabayan ang paglake ng anak ko at magkakatuwang na kame ng asawa ko sa paghahanapbuhay. Pagtutulungan naming mag asawa ang aming kinabukasan, ang makapag ipon agad at makabili ng bahay, makapag tapos sa maayos na skwelahan ang anak ko at makapagtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas para kahit papaano ay makatulong sa mga kamag anak kong walang trabaho.

Ang pagbabalik

Sa ngayon ang ay nandito kameng magkakapatid sa Abu Dhabi kasama ang aming mga sariling pamilya. Panandalian namin iiwan ang Pilipinas kasama ang taimitim na dasal na sana ay maging matagumpay ang pakikipagsapalaran namin sa disyerto.

Alam kung dadating ang araw na babalik kame sa lugar kung saan nandon ang puso namin, ang lugar kung saan kame magiging masaya. Masarap pa rin manirahan sa sarili nating bansa, di man kaseng alwa ng buhay na tinatamasa sa UAE, wala pa rin hihigit sa simple, masaya at masaganang pamumuhay sa bayan mong sinilangan kapiling ang mga mahal mo sa buhay.

Ang post na ito ay aking entry sa Pinoy Expat / OFW Blog Award (PEBA). Kung nagustuhan nyo po ang aking sinulat bisitahin po ang kanilang website http://www.pinoyblogawards.com/ pakivote po ang nominee no. 10 – Ang blog ni Ana Banana.

Maraming Salamat po!