Tag Archives: skul bukol

Jack of all Trades Master of None

19 Nov

Sa aming magkakapatid ako yata ang pinaka walang wenta talent, di ko nga alam kung saan ako nagmana parehas namang may talent ang mga magulang ko. Natatandaan ko pa noong Highschool pa lang ako di ko malaman kung anong kursong kukunin ko sa college. Masyadong magulo ang utak ko kase di naman ako magaling sa Math kaya di ako pwede maging Engineer or Accountant. Hindi rin ako magaling sa Art, taong stick lang ang alam ko idrawing kaya hindi rin pwedeng maging Architect. Di rin naman ako ganon ka galing sa Science kaya ayaw ko rin ng Medical courses. Medyo napansin ko lang mahilig ako sa tsismis at masyado akong madaldal sa klase kaya sabi ko Masscom na lang kaya ang kursong kukunin ko.

Enrollment namin kasama ko yung dalawa kung classmate na mag enroll sa  isang Unibersidad sa Sta. Mesa (PUP) pumila sila sa kursong Accountancy, ayun dahil ayaw kong mapahiwalay sa kanila at para sama sama na lng rin kami sa pila doon na rin ako nag enroll. Okey naman sana, pumapasa naman ako sa mga exams, pero ang nakakaasar kailangan lowest 2.0 ka sa mga major subjects mo which is Math, English, Accounting. Pinapataas daw kase nila ang standard nila sa Accontancy dahil maliit na porseyento lng ang pumapasa sa CPA Board exam every year. Eh likas talaga ang pagkabobo ko sa Math ayun 2.25 ang nakuha kong grade at kahit pasado yan kailangan ko ng magremedial class. Sa madaling salita hindi ako nagremedial class kaya pinili ko n lng lumipat ng ibang kurso Business Administration – Marketing.

Sa isip ko ano bang pwedeng maging trabaho ko sa kursong kinuha ko parang walang spesyalidad pwede sa office, sa sales, sa fastfood, sa mall, kahit saan business pwede pero anong position naman ang aaplayan ko. Samakatuwid lahat ng yan napasukan ko Office Clerk, Accounting Staff, Manager sa Fastfood Chain, Sales Rep., Marketing Officer, kusinera, labandera, tubera.

career11

Almost 10 years rin akong nagtrabaho sa ibat ibang company simula ng estudyante pa lng ako hanggang sa nakatapos ako ng kolehiyo. Pero parang wala naman yata akong naipon, minsan nga di umaabot sa sunod na sweldo ang pera  ko kaya madalas naghihingi na ko sa mama ko ng pamasahe para makapasok sa opisina. Doon ko naisipang magbusiness na lng nagsawa na kase ako 8-5 job feeling ko kase para na kong robot, paulit ulit nakakasawa.  Nagtayo na lng  kme ng Family Business Computer Shop, pero walang gaming, more on printing,internet, pc rental, desktop publishing (eg. calling cards, invitation, souveniers) graphic design, computer upgrade and repair basta lahat ng magagawa sa computer ginagawa namin.

Okey naman ang takbo ng business pero parang may gusto pa kong mangyari sa career ko parang gusto kong magkaroon ng title, ng specialization, ng masasabi kong profession ko. Naiinggit kase ako sa dalawa kong kapatid may kadugtong lage sa name nila:

Vener Sarmiento – Web Developer

Airene Sarmiento Manalansan – Engineer

Samantalang ako ano ba pwedeng ilagay ko pag nagpagawa ako ng calling card… wala akong maisip eh.

career-public-speaking

Blessing naman  na inaya ako ng friend ko na mag take ng Masters sa PUP Open University, maganda sya kase parang home study aatend ka lang ng klase once or twice a month sabi ko good opportunity na rin na habang minamanage ko ang family business namin makakapag aral pa ko. So ayun kumuha ng Masters in Educational Management, para naman magkaroon din ako ng title ito rin kase ang pinakamagandang profession na naisip ko na pwede ko ipursue, di ba pwede ko pang pagsabayin ang pagtuturo at pagbibusiness pag nagkataon. 2 semester na rin ang nakukuha ko ng dumating naman ang opportunity ko dito sa Dubai. Ito kaseng kapatid kong maldita pinadalhan ako ng visa at ticket ng walang kaabog abog, akala ko nagbibiro lang na vivisahan nya ako.

Sa madaling salita naunsyami na naman ang nakatakda kong maging titulo…. haaayyyy! di bale mag iipon lang ako ng sandamakmak na pera tapos pagbalik ko sa Pinas itutuloy ko pa rin ang pag aaral ko. At magkaroon na rin ako title sa name ko;

Prof. Analyn Sarmiento Albesa

or

Analyn Sarmiento Albesa – Principal/Directress

Bongga di ba!