Tag Archives: Tag

Sisterhood Tag

26 Mar

Meron akong nag iisang kapatid na babae, sya ang pinaka maldita at bunso namin sa pamilya. Noong mga bata pa kame lagi kameng mag kaaway nyan kase nga pasaway at maldita. Tandang tanda ko pa napaka iyakin ng batang yan as inĀ  maririndi ka sa lakas ng iyak kulang na lng itapon sa bintana ni mama. Tapos napaka pigsain… hindi pwedeng hindi mawawalan ng pigsa sa ulo at hindi lang isa kailangan 3 pataas… hahaha… lagot na naman ako dito.

Pero infairness naman kahit bulakbulera sya ng High School, at Tambay sa Bilyaran nung College nakagraduate din naman ang maldita dahil dinuktor nya ang classcard nya.Natapos sya sa Kursong Engineering at ngayon ay kasama kong nakikipagsapalaran dito sa Abu Dhabi.

Although marami kameng mga pag kakaiba sa ugali, nagkakasundo naman kame sa maraming bagay. I am a Good Ate pa rin naman sa kanya at sinusuportahan namin ang isat’isa.

ayin-and-me

I Love you my Dear Sister!

Bakit ko nga pala naiblog tong sister ko ? Kase dahil dito sa Tag/Award na ibinigay sa aking ng Alaga kong si Muymuy Thanks sa Award sister, meron na namang pang update sa inaamag na blog,… touch ako! hehehe…

sisterhood-award221

Here’s the Rule:

1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.

5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

Nais kong ishare ang award na to syempre sa mga sisterhood ko sa blogsphere: (Sisters/Co-D’s) Libay, Jen, Lhay, Issey; New Found Friend (NFF) sa Plurk: Toyz, Geli, Ketz; mga sisters ko sa UAE: Rhapsody, Aling Pepay, Tukayang Bananie.

God Bless mga Sisterhood! Stay Beautiful!

Advertisements