Tag Archives: barrio siesta

I hate you Ondoy!

27 Sep

Kahapon sinalanta ng malakas na buhos ang ulan ang Metro Manila dahil sa bagyong pinangalanang Ondoy. Ito na daw ang pinakamalakas na ulan na dinanas ng bansa sa nakalipas na 42 years. Imagine yung ulan na dapat na ibubuhos para sa isang buwan eh inubos nya lng ng 6 hours… Ang lupit mo Ondoy!.

ZZZ_092609_1_cZZZ_092609_2_c

I hate you Ondoy!…. Look what you’ve done…

Isa ang lugar namin sa Pasig ang naapektuhan ng pagbaha mabuti na lng at may 2nd floor ang bahay namin at naitaas ang gamit. Ginawa pa ng daw evacuation Center ang Bahay namin dahil yung ibang kapitbahay namin eh walang mapaglagyan ng gamit nila. Sayang nga naman ang mga gamit na ipinundar nila ng ilang taon tapos masisira lng ng tubig.  Super worry talaga ko kahapon kase di ko sila makontak, affected ang mga Telecommunication companies and nagkaroon pa ng power interuption.

Sana lng walng nabasang importanteng bagay sa bahay lalong lalo na ang mga mahahalagang papeles at mga lumang pictures. Alam naman natin kung gaano kahirap ang proseso pag nawala ang Birth Certificate or Marriage Cert etc. parang after 10 years pa bago mo makuha. Naalala ko pa yung mga pictures namin  syempre mahalaga yun, mga old memories. Naalala ko pa pala wala man lang pala akong Baby Picture hindi sa dahil hindi pa uso ang camera non ha, meron daw talaga ako noon kaya lang ang kwento kwento eh inanod din ng baha. Napakasaklap di ba? di ko man lang nakita kung cute ba ako o nakakatacute ang itsura ko.

Nakatawag na ko ngayong umaga sa family ko and thankful naman ako dahil safe silang lahat…Inaalala lang nila yung Shop namin sa Cainta, ngayon lang kase nila mabibisita dahil ngayon lng rin humupa ang baha. Balita kase nila eh 6 ft. daw ang taas ng tubig… Sana wala naman masyado nadamage.

Ito ang mahirap pag malayo ka sa family mo di mo man lng sila matulungan pag ganitong mga kalamidad. Lalo pang nadadagdagan ang pagkahomesick and pagkamiss mo sa knila.

I hope everything will be ok soon, lets pray to the safety and recovery of our kababayan.

I know our  Government is giving their best effort… Ito na ang panahon para magpaBibo sila…  remember malapit na ang eleksyon!

SEND YOUR DONATION NOW!

Red Cross donation through SMS:

Text RED<space>AMOUNT to 2899 (Globe, amount can be 100 or 300) or 4483 (Smart, amount can be 50 or 100). Visit the site http://www.redcross.org.ph/


To my fellow OFW/Expat who are willing to help you can send your donation via PayPal thru this LINK.

img_OndoyCampaign

* Photos above courtesy of http://www.gmanews.tv/index.html

Advertisements