“A mother’s love for her child is like nothing else in the world. It knows no law, no pity, it dares all things and crushes down remorselessly all that stands in its path.” Agatha Christie
Napakabilis ng paglipas ng taon nakatatlong taon na rin pala ako dito sa UAE. Tatlong taon ko na rin hindi nakakasama ang aking nag iisang anak. Although yearly or minsan twice a year ako umuwi hindi pa rin sapat para mawala ang pagkamiss ko sa kanya. Napakahirap sa part ng isang ina na malayo sa anak kung pwede lang umuwi agad agad pag may sakit sya, kung pwede lang na lumipad everytime na kailangan nya ako, makishare sa mga special moment sa buhay nya, umattend sa mga activities nya sa school or gusto nya ng bed time stories bago matulog.
Madami akong namiss sa tatlong taon kung pagkawala, 5 years old sya ng umalis ako, nasa kakulitan stage nasa stage na kailangan ng gabay ng isang ina para sa paghubog ng kanyang personality. Mag 8 yrs na sya sa January, yung 3 years na hindi kame magkasama parang katumbas ng 30 years para sa akin. Super thanks sa technology atleast kahit malayo kme sa isat isa physically parang malapit na rin . We chat almost everyday and may FB na rin sya. Grabe super laki na nya parang kailan lang balibaliktad pa sya magsulat ng ABC but now I can chat with her straight nasasabi nya gusto nyang sabihin and she even get to express her emotion through FB status update. Just recently my heart broke when I saw her FB status
What makes me sad this morning was… I just learn from my bro. that my daughter don’t want to attend family day in her school today kase wala naman daw syang mommy. I almost cried if only I have wings to fly.
I don’t want to spend another year of my life without her … I know, I only have a little time left to enjoy her childhood.. soon magiging teenager na sya kung pwede nga lang bata na lang sya forever. I want to catch up with her, makabawi sa mga panahon na wala ako sa tabi nya enjoy every moment with her.
I’m on my annual vacation sa January, finally mahahug at makikiss ko na rin sya ulit. Sana ito na ang huling taon na hindi kame magkasama. I’m still in the process of getting her visa sana Papa Jesus magrant na po visa nya at pag nangyari po yon ako na siguro ang pinakamasayang mommy sa buong mundo.
I love you so much Baby Kat! We will be together very very soon… That’s a promise!