Tag Archives: Proud mommy

Stage Mom

12 Nov

I miss being a stage mom, for almost 1 year na di kame magkasama ng daugther ko marami akong namiss na activities nya na dapat mommy ang kasama. Mahilig pa naman sya sumali sa mga kung anik anik na events, di sya mahiyain at laging nakapose yan pag may camera. Nakakamiss yung ako ang kasama nya sa mga activities nya sa school, taga prepare ng mga kailangan nya pag aatends sya  ng party, kasamang magshopping ng damit at accessories nyang gagamitin, mga ganung bagay.

And syempre as a mother, (love your own) para sa akin sya ng pinakamaganda, pinakamagaling, pinakasmart na baby. I want the best for my daughter kaya khit mahal mga costume/accessories dapat bonggang bongga. Good thing may lola syang marunong magtahi, mag make up, gumawa ng accessories. Medyo nakakatipid ako ng konti dahil materials na lang binibili ko.

Next year plan ko sya mag  Singing lesson, para kaseng may potentsyal sya sa singing eh … (ok di sya mana sa akin)  Gusto ko kase madevelop talent  nya and syempre mabibuild up pa ang self confidence nya sa pagsali sali sa mga activities!

15326755416013mkathrine1_974266520l1_372186534l

This photos was taken during Trick or Treat Event, yearly sya present dyan!

kat6kat9

1_115289019lkat8

School Activities

1_270465293l1_958173268l1_506008709l1_787736379l

Educational Tour

Haaaaay! nakakamiss ang batang ito, lalo tuloy akong naeexcite umuwi ng Pinas. Sigurado marami na naman syang kwento at syempre marami na namin ipapabiling pasalubong.

Sana in God’s perfect time magkasama uli kami ng daughter ko either dito sa UAE or sa Pinas gusto ko kase ako ang personal na mag guide sa paglaki nya.

I miss you Kat! Love ka ni Mama.

Advertisements