Archive | October, 2009

Undas

31 Oct

Undas

Bukod sa ito ang araw ng paggunita sa namatay nating mahal sa buhay ito rin ang panahon na sobrang benta ng  bulaklak, kandila, alak, pagkain, disposable plate/cups/spoon etc. at dahil nasa dugo ng pamilya naman ang pag bibusiness hindi namin pinalalampas ang ganitong okasyon para kumita naman ng kahit konte. Noong panahon bago ako mapdpad sito sa UAE nakasanayan na ng pamilya namin ang magtinda ng flowers and candles taon taon sa mga sementeryo. Sa ganitong  mga panahon din halos hindi ako natutulog dahil bukod  sa regular kong trabaho sa opisina isinasabay ko ang pagaayos ng pwesto namin a sementeryo bukod pa yan sa pagsisideline ng pag aalok ng kandila at bulaklak sa mga kaibigan, kapitbahay at katrabaho.

flowersdangwa

October 30 ng madaling araw nagsisismula na kmeng umangkat ng Kandila sa factory na malapit sa amin at  mamili ng bulaklak sa Dangwa… daisies, malaysian mumps, roses, birds of paradise, aster  ang ilan sa mga bulaklak na madalas namin binibili pero ang pinakapaborito naming itinda ay ang Orchids dahil sa bukod sa matagal ang buhay nito dito rin kme kumikita ng limpak limpak na salapi. Doble ang presyo ng bulaklak pag ganitong undas at nasa kamay lng  flower arranger kung paano maibebenta ng magandang presyo ang mga bulaklak. Thanks sa ever talented kong nanay at sa little sister kong maldito block buster ang mga flowers nila. Haaaaayyyy… Nakakamiss din ang mga bagay na kinasanayan mo ng gawin lalo pat marami kang nabibigyang trabaho na mga kamag anak na nais din kumita sa panahon ng Undas.

loyola

Sa sementeryo mo makikita ang ibat bang klaseng tao mayaman, mahirap, babae, lalake, bata, matanda, mataba, sexy and isa lang ang layunin ng mga taong ito ang maiparamdam sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ang pagmamahal at pagunita sa kanilang alala sa  pamamagitan ng pag aalay ng bulaklak, pagtitirik ng kandila at pag usal ng taimtim na dasal.

Sa mga namayapa kong mga kamag anak di man kme pisikal na makadalaw sa puntod nyo at hindi namin kayo naalayan ng magarbong bulaklak na tinitinda namin (dahil nasa probinsya ang puntod nila). Di namin kayo malilimutan lagi kayong kasama sa aming mga dasal kahit hindi araw ng undas. Naway maging payapa at masaya kayo sa piling ng poong may kapal. Amen.

Advertisements

Bawal umihi dito!

18 Oct

Bakit nga ba ang mga Pinoy pag sinabing hindi pwede ipinagpipilitan pa rin na pwede … Sinabi ng huwag hawakan ang pintura dahil basa eh, hahawakan pa din. Sadya nga yatang mahirap ispelingin ang mga Pinoy… Likas na sa atin ang pagiging Matigas ang ulo kaya madalas tayo mapahamak.

Kung sinunod lang sana natin Ang Bawal Magtapon ng Basura na nakasulat sa pader eh di sana hindi nagbara ang mga estero at kanal at hindi rin bumaha ng grabe. Wala naman mawawala kung susundin natin ang alam nating tama… hindi naman siguro mababawasan ang gandandang lalaki mo kung iihi ka sa banyo at hindi sa pader ng kapitbahay mo.

bawal umihi

Sabi nga nila Masarap ang Bawal…bakit nga kaya ganun parang ang sarap sa pakiramdam nang nagviolate ka ng rules.  Sa opisina alam naman nating bawal mag internet pero parang achievement para sa atin na nakakalaro tayo ng FarmTown at Mafia War sa work, or may kalandian ka sa YM  sa oras ng trabaho. Alam naman natin ang risk pag nahuli tayo… pwedeng mawalan tayo ng trabaho but still ginagawa pa rin natin.

Madalas natin makita ang mga babalang  Bawal Umihi Dito, Bawal Magtapon ng Basura, Bawal  tumawid at kung ano ano pang bawal. Kung tutuusin kung nasa tama tayong pag iisip at kung responsable kang mamayan hindi na kailangan ng mga ganitong babala dahil alam mo naman sa sarili mo ang di magandang idudulot nito.

Paano kayang magandang strategy ang pwede nating gawin para mapasunod tayo ng mga ganitong babala:

Ano kaya kung gamitan natin ng reverse psychology instead na bawal eh payagan na lng natin silang gawin ang gusto nila…

MMDA Says Bawal Tumawid

O kaya eh daanin natin sa dahas… parang panggulat naman ang style baka sa ganitong paraan eh madali tayong mapasunod…

tumblr_kotxnidUAw1qzqfsto1_400

O kaya tamang nagsusuggest lng…  Tumbling ako dito sa Signage na to… pero di ba  atleast may choices ka kung anong pwede mong gawin…

paalalabyhazek

O di ba super creative ng mga Pinoy… Super Funny sya pero maaring marami rin ang mga napasunod…Pero mas masaya sana na kung lahat tayo ay susunod sa batas may mga ganitong signage man o wala.

Paunawa:  Ang litrato sa taas ay ginamit ng walang pahintulot sa may ari… Pwedeng magsorry? 🙂

Giothon – Walk for a Cause

11 Oct

Congratulations sa mga Organizers, Sponsors and Participants  ng Giothon Hakbang Buhay – Walk for Life, the event was very successful.  Nakakatuwa kase di lang mga kabayan ang nagparticipate,  maging mga ibang nationalities nag join din . Makikita mo ang mood ng mga Pinoy super positive sila and lahat sila naka smile, they really enjoy the walk .  Ngayon lang yata naging makabuluhan ang weekend ko … nakatulong na nakapag enjoy pa di ba!

Thanks sa mga sumali atleast khit malayo tayo naiparamdam natin ang pagtulong at pakikiramay sa mga biktima ni Ondoy. Yan ang Pinoy… World Class!

Giothon 1

Giothon 2

Giothon 3

Giothon 4

For more news / updates about Giothon – Hakbang Buhay Walk for life please click this link

After ng Walk we went to Reef Mall to bring the 2nd batch of the Relief Goods donated by some of our friends. Then volunteer na sa pagpack ng relief.  Super nag enjoy kame kahit pagod sa byahe and puyat sa pagising ng maaga. Thank you sa support sa mga nag donate. God Bless you all.

giothon 5

Relief Operation for Ondoy’s Victim

4 Oct

When I learned from a friend that we can send Donation for Ondoy’s victims in LBC Dubai at no charges,  I immediately get in touch with some of my friend to ask for their donation. I’m very happy that  all of them are willing to help  and we ended up a car full of Goods (used & new clothes, shoes, blankets, towels etc.)

Home centerAmabg ko to ha...

From Pinoy in AUHmalayo pa ba...

Thank you guys for the help, there’s a lot of our kababayan’s back home who will be benefited from your donations. You can still drop your Donations till Friday, Oct 9, 2009 at Reef Mall Dubai, beside Dome Cafe.

______________________________________

Relief Operation for Ondoys Victim

Al Reef Mall, Dubai UAE

Sponsored by:

LBC Dubai –  Sea Cargo

Makati Express – Air Cargo

Fillipino Community on Dubai (FILCOM)

www.uaetambayan.com

____________________________________

Walk for a Cause

The Filipino Community Organizing Committee and the Philippine Business Council will hold a “Walk for a Cause” at Safa Park by Friday, October 9. All proceeds (100%) from this event will be donated to the Philippine National Red Cross.

Event: Giothon Hakbang Buhay ( Walk for life – flood relief)

Date: 9th October 2009
Venue: Safa Park Dubai
Time: Registration starts at 7AM
Walk starts from 8AM to 11AM
Cost: Dhs 50/-per participant