Archive | September, 2008

Seafood Galore!

22 Sep

Weekend (Friday& Saturday) – ang paboritong araw ng mga expat dito sa UAE, syempre walang pasok kaya kanya kanyang gimik ang mga tao. Typical na ang magpunta sa Mall para mag window shopping . Yung iba naman pumupunta sa bar para mag inuman /makinig ng banda. Yung iba namn billiards/videoke/bowling/swimming/ etc.. etc.

For a change, kakaibang adventure ang ginawa namin. Crabbing o panghuhuli ng alimango at paghahanap ng halaan (clam). Enjoy n wala pang gastos… mapapractice pa ang talent ko sa pagsisid. At syempre may ulam pang maiuuwi.

Inferness pansamantala kong nalimutang nasa disyerto ako… Feeling ko nasa probinsya ako at isa akong Dalagang Bukid! (lol)

6:30 PM – Naghanda na kme umalis papuntang corniche ewan ko kung saan lugar yon basta may man made mangrove sya … Transmitter ang tawag sa lugar kase may malalaking transmitter na nakatayo (he.he.he).


7:00 PM – Narating na naman ang Lugar kaya lang High Tide pa pala kaya wait muna namin bumaba ang tubig… Walang kabuluhang kuwentuhan na lng muna at syempre di mawawala ang picture picture..

8:30 – Nagsimula n kmeng bumaba sa tubig nagsimulang maghanap ng biktima.


9:30 – Medyo mababa na ang tubig at nagsimula na kme mang hunting ng mga alimango at manguha ng halaan… Enjoy grabe pero masakit sa kamay parang namatay yata mga kuko ko…

10:30 – Tuluyan ng bumaba ang tubig kaya lang mukhang matumal ang mga alimango nakahalata yata na may humahunting sa kanila kaya ayun nagtago !      

11:30 nagpasya na kmeng tumigil dahil gumagabi mag uumaga na  pala at di na kaya ng powers ko ang gutom.

Ito na ang resulta ng aming pinaghirapan

Isang timbang halaan at dalawang pirasong alimango…

Not bad…..3 araw na rin naming ulam to!

At syempre ano pang gagawin sa nahuli eh di iluto at kainin grabe… busog (burrrpp…. sorry)

Sarap! Fresh na Fresh!

Advertisements

Proud Mommy!

17 Sep

One of the joy of being a mother is to see her child excel in whatever they do specially in academics. Yesterday I’ve got the 1st Grading Period Report Card of my daughter and I was very happy with the result.

I was just a bit sad because I wasn’t able to give her a treat like eating together in her favorite fast food chain and buy her favorite toy, watch movies or play at World of Fun instead.

Kat ask your Dad or your Lola to buy anything you want… That’s a gift from me…. I love you baby!

I’m proud of you anak! Keep it up. Mommy will be there on your 6th Birthday… Promise!

Tiangge, Bazaar atbp.

8 Sep

Ber months – meaning malapit na ang pasko… sa Pinas nagsisimula ng maglagay ng mga Christmas ornaments ang mga tao, makakarinig ka na ng mga christmas songs sa mga radio station, pag pumunta ka ng mall nangangamoy pasko na ang simoy ng hangin. Yung ibang tao gumagawa na ng Christmas list. Ang sarap talaga magpasko Sa Pilipinas, dito na yata sa atin pinakamatagal ang celebration ng Christmas basta pumasok na ang buwan ng ber (September hanggang December) hanggang 3 Kings pa pala.

Pero ang pinaka namimiss ko tuwing sumasapit ang Christmas ay ang Tiangge, kung di nyo kase naitatanong mahilig ako sumali sa mga tiangge, bazaar atbp. 4 straight years akong nagtiangge sa Marikina River Park (Tiangge sa Ilog), natry ko din sa Farmers Cubao, sa Riverbank Center.

Parang kulang ang Christmas ko pag hindi ako nakapag Tiangge, namimiss ko makipag baratan ng Rate sa mga Organizer, namimiss ko pumunta sa Divisoria para makahanap ng maibebenta at makipag siksikan kasama ng mga mandurukot. Namimiss kong makipag deal sa mga supplier at makipagbolahan na rin para bigyan ako ng consignment. At mamimiss ko yung mga customer na kuripot at grabe kung tumawad kulang na lng hingin ang paninda mo.

Hindi kumpleto ang pasko ng mga Pinoy kung walang Tiangge. Sadyang mahilig kase ang Pinoy sa Gift giving, Exchange gift, Raffle at dahil dyan kaya patok na patok sa mga Pinoy ang Tiangge at marami na rin mga kababayan natin ang pumapasok sa ganitong negosyo.

Bakit nga ba gustong gusto nila magshopping sa mga Tiangge:

1. Mura/Bagsak presyo – Compare sa presyo s mall mas mura talaga mamili sa mga Tiangge. Most of the owner kase ng Tiangge also wholesaler from Divisoria so naibibigay nila ng mababa ang presyo.

2. You can find almost anything here. Kung mayroon kang gustong hanapin, that’s where people usually go. From shopping items like toys, dress, shoes, gift items, to gadgets like cellphone, mp3, etc.

3. Makakahingi ka ng discount o tawad sa mga bibilin mo. Pero wag naman kayong tumawad ng kalahati, mahal din kase ang binabayarang renta ng mga yan kaya kahit alam nating sobra pa sa kalahati ang tubo namin nila napupunta lang rin ito sa overhead expense.

4. May mga entertainment din for the shoppers like sa Marikina Riverpark may theme sila every year kung saan may mga ginagawa silang display na pwedeng mag picture taking. They also invite performers mga artista o banda or stand up comedian na pwedeng sumayaw, kumanta, tumula, magdrama, mang okray para lang maaliw ang mga shoppers.

Madami na rin akong dinanas dahil sa pagsali sa mga tiangge nandyang kumita ng malaki, malugi, mag break even o balik puhunan. Dahil madalas oudoor at sa tabing ilog ang venue, naransan ko na ring mag hakot ng paninda linggo linggo dahil sa nagbabadyang bagyo, (madalas pa naman ang pagdaan ng bagyo tuwing December). At ang pinaka worst agusin ang paninda dahil sa baha. Kung nabalitaan nyo yung Tiangge na inanod ng baha way back 2005 sa River Park, Marikina.

First time ko magce-celebrate ng pasko sa ibang bansa, malungkot dahil bukod sa di ko makaksama ang mga mahal ko sa buhay syempre di ko na rin mararanasan ang joy ng pagcecelebrate ng Christmas sa Pilipinas. Tiangge, xmas party, exchange gift, raffle, reunions, simbang gabi, puto bumbong, parol, at marami pang iba.. Haayy.. nakaka miss talaga ang Pasko sa Pinas!