Archive | January, 2009

7 Wonderful Years

26 Jan

Tandang tanda ko pa tong Wedding vows na to… Seven years na pala ang nakalipas.

I, Anabanana take you,  Gary to be my husband, my constant friend, my faithful partner and my love from this day forward. In the presence of God, our family and friends, I offer you my solemn vow to be your faithful partner in sickness and in health, in good times and in bad, and in joy as well as in sorrow. I promise to love you unconditionally, to support you in your goals, to honor and respect you, to laugh with you and cry with you, and to cherish you for as long as we both shall live.

Uy may Wedding Pictures pala kame… he.he.he

ana-gary-wedding

Happy 7th Anniversay Paw! I Love you!  weeee… hang Sweet!

Advertisements

Parang Kailan Lang…

17 Jan

Aba.. aba..aba… Naka isang taon na pala ako dito sa UAE, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang… (Rewind)

  • Parang kailan lng ng tumawag sa akin ang sisterette ko at sinabing pinadala na daw nya sa akin ang Visa ko at nabook na daw ang ticket at sa January 17, 2008 na ang flight ko. Nagulat talaga ako kase ang simpleng usapan namin sa YM tungkol sa pagpunta ko dito eh buong akala ko ay biruan lang. Kaya bigla akong napaisip kung anong buhay kaya ang naghihitay sa akin doon, lalo pa at malalayo ako sa pamilya ko.
  • Parang kailan lang ng una akong nakasakay ng eroplano, di ako makatulog dahil naiisip ko ang anak ko,  plus namangha pa ako sa itsura ng eroplano (1st time kase eh), plus nag iisip pa ko kung paano kung bumagsak ang eroplanong sinasakyan ko. Kung ano ano ang nasa isip ko kaya ayun magdamag akong di nakatulog at naka tatlong movie yata ako. Tapos lagi ko pang inaabangan i serve ang pag kain. he.he.he.
  • Parang kailan lang ng una akong tumapak sa Abu Dhabi, medyo kinakabahan ako, kase paano kung hindi ako sunduin ng kapatid ko sa Airport, saan ako pupunta. Di ko pa naman alam kung nasan sila kase di ko na makontak ang cellphone nya dahil naka roaming na ko. Buti na lng paglabas ko ng Departure eh nandon na sila ng bayaw ko at nag aabang sa akin. Tandang tanda ko pa umuulan nung araw na yun sobrang lamig ng panahon, blessing daw yun para sa akin kase bihirang bihira daw umulan sa disyerto.
  • Parang kailan lang ng una akong nagpunta sa Mall, na Culture shock talaga ako ikaw ba naman ang maka salubong ng babaeng balot na balot ng kulay itim at mata lang ang kita. Ito rin ang araw na bumili ako ng Sim Card, grabeng mahal pala ng Sim Card dito imagine 165 dirhams or kulang kulang 2K pesos. Tapos ito na rin ang magiging identity mo sa lahat ng transaction mo sa Bank, Internet, Phone line at kung ano ano pa.

Pero kahit ganon kabilis lumilipas ang araw, pag namimiss ko ang family ko parang katumbas ng isang taon ang isang araw. Parang gusto ko laging  hilahin ang araw na pwede akong makapag bakasyon sa Pinas. Malungkot talaga pag malayo sa family, pero dahil you want the best for them, kailangan mag sacrifice.

Thankful pa rin ako na nabigyan  ako ng opportunity na makapag work dito at makatulong sa family ko. Thank you sa family and friends na laging nandyan through thick and thin. And syempre Thank you Lord for all the  blessings and for your guidance throughout the year, till next year.

Happy Birthday… My Precious Kat!

12 Jan

It’s my Daughter’s 6th Birthday today.

I just want to share some trivia about my Daughter Kat

1.  She is the one and only  Child of  Tetang and Gorio (as our friends fondly called us).

2.  I am bed ridden for almost  7 months when I was pregnant with Kat . (High Risk Pregnancy)

3. I had 2 miscarriages before Kat came. (Thank God for giving her to us)

4. She was born by Caesarian Section

5. She’s a Premature baby (33 Weeks and weighing 4 lbs. only)

6. She’s already a videoke princess   in the age of 3 , she memorize the lyrics of the song Torete by Moonstar88.

7. She Ranked 4 in her class during her Nursery Year.

8. She is now a Preparatory student at Our Lady of Perpetual Help School.

9. She love Dora the Explorer very much. And Marie, the Cutey Cat Disney Character.

10. She eat a lots, her favorite foods are adobo, corned beef (ayaw nya ng walang sibuyas), sopas, pan cake, ice cream etc. etc.

Happy Birthday Baby Kat…. Enjoy your Party. First Birthday mo na wala ako kaya sad si mama, I hope on your 7th Birthday magkasama na tayo magcecelebrate. I miss you very much.. Be a good girl… I Love You!

My Precious Child


The greatest gift we will ever know
is a child, born to love and grow.
Conception is a miracle in itself;
the start of new life and good health.

Such a treasure your precious child is,
who will thrive on every hug and kiss.
Hold them close and sing them songs;
they will only be a child for so long.

They may not always smell pure and sweet,
a dirty diaper or a dampened sheet.
But with a loving cuddle and a beautiful smile,
the joys of parenthood are all worth while.

“Thank you Lord for our precious child.”

~Lisa Runstedler~

Tanggalan Blues….

8 Jan

Marahil halos lahat sa atin ay nakakaalam na ng epekto ng  Financial Crisis na kinakaharap nga buong mundo. Maraming mga companies na ang nag lay- off  ng mga employee or di naman ay ibinababa ang kanilang mga sahod. Dito sa UAE napakaraming company na ang nakaranas na ng ganito at patuloy pang makakaranas lalo na kung ikaw ang nasa Real Estate and Construction Industry.

Sa company namin nagkaroon na ng 1st batch ng tanggalan halos 60% ng employee sa isang department namin ang naalis. Kaya lang di namin alam ang paraan kung paano sila namimili ng tatanggalin. Kaya pag nagkakaroon ng kwentuhan/ chismisan kaming mga Pinoy, dinadaan na lng namin sa biro ang lahat. Para naman pampatanggal stress dahil any moment pwedeng makatanggap ka ng sulat na makapag papaguho sa mga pangarap mo. hu.hu.hu

Tyempo ang natanggap kong e-mail mula sa aking malditang sisterette tungkol sa Tanggalan Blues na yan at syempre sinamahan ko na lng ng iba ko pang naisip na paraan ng pagtanggal.

What if ganito ang paraan ng tanggalan…

1.  Roleta

  • Isipin nyo na sa roleta nakasalalay ang estado ng career mo… Nakasulat lahat ang pangalan ng empleyado sa napakalaking roleta. Walang BOKYA sa roleta, pero pareho na rin at mas malupit pa sa BOKYA.  Tatawagin ang lahat ng empleyado para sa malaking Tanggalan ng Taon.  Sa pagkakataong ito ay ipapanalangin mo na hindi sana hihinto arrow ng  roleta sa pangalan mo. At kung nakaligtas ka man sa sampung kataong natanggal sa araw na iyon, pilitin  mong huwag mastress sa susunod na araw kung magkakaroon pa ng second o third batch.. At ang lahat ng mga  natawag ay tatawagin sa inihandang entablado para sa final bow.  Pwede na ring mag good bye speech kung feel mo at prepared ka.

2.   ID Number Bingo

  • Pwede ring ang Tanggalan ay sa paraan ng larong Bingo.  Ipapatawag ang lahat ng empleyado para sa malaking BINGO na gaganapin.  Masaya to!Lahat ay bibigyan ng BINGO cards,  pero sa pagkakataong ito, hindi mo gugustuhing sumigaw ng BINGO pag nabuo ang numero ng ID mo.  Dahil tiyak yon ay katapusan na ng career mo. At kapag natawag ang kung sinumang ID na nabuo sa BINGO,  naghihintay na ang prize mong passport at plane ticket pauwing Pinas. Cool di ba.. Dito mo isusumpa ang larong BINGO sa tanang buhay mo.

3.  Eviction by Nomination

  • Pwede ring may pagka showbiz ang dating, idaan sa nomination ang eviction  ( sana Big Brother na lang ito) Sa pagkakataong ito  ay may napili ng list ng mga nominado para sa eviction. Lamang ay sa actual day na ng eviction malalaman ang tatanggalin.  Kaya prepare na ang mga gamit, bayaran na ang mga utang sa credit cards at loans bago pa ang eviction.  Ang masaklap ivo-vote out ka mismo ng mga officemates mo through text votes. Through text votes para makagenerate ng pambili ng plane ticket mo.  How thoughtful di ba?…

4.  Raffle Draw

  • Parehas lang and mechanics ng karaniwang raffle draw, nakasulat sa papel ang mga pangalan ng lahat ng empleyado at bubunutin ang mga name ng CEO  supervised by  DTI Representative para walang dayaan. Pwedeng ang mabubunot na pangalan ay siyang matitira or syang matatanggal depende sa trip ng Big Boss nyo.

5.  First In…. First Out

  • Madali lang ang tanggalan pag ganito ang proseso, aalamin lang ng HR nyo kung sino ang pinakabago sa kumpanya at presto sya rin ang unang tatanggalin.

6.  Performance Level

  • Ito naman ay base sa ipinakita mong performance sa  kumpanya simula ng nahire ka. Pero kasama rin dyan kung paano ka sumipsip sa boss mo. O kung paano kumagat ka sa kanya mga Indecent proposal.

Habang sinusulat ko tong entry na to, may natanggap kaming balita na ngayon daw ang 2nd Batch nag tanggalan. Nakakaba na nakakatakot na nakakawindang… miks emosyon ang nararamdaman naming lahat dito, para kming mga preso na naghihintay ng bitay.

I’ll just keep mg finger cross… bahala na si Papa Jesus. Ito lang ang nasa isip ko ngayon.

There’s always a rainbow after the rain

01/01/09

1 Jan

January 1, 2009,  Abu Dhabi, UAE, 4:30 PM

Special ang araw na ito sa akin kase bukod sa ito ang simulang taong 2009, Birthday to ng nag iisang kong kapatid na lalaki, nag iisang kong Kuya Vener.

Happy Birthday Kuya

kuya-blog

Brotherhood

  • Friendly, talented, joker, techie, insomiac, late comer,  pogi, habulin ng chicks.  – yan ang mga adjective na magdedescribe sa kuya ko.
  • Mapagmahal sa family lalong lalo na sa maganda nyang Misis at sa apat lang naman nyang  junakis walang kahilig hilig. Mama’s boy din yan dahil sya ang nag iisang lalaki sa aming magkakapatid.
  • Mabait tong kuya, napaka generous pag meron yan bigay lng ng bigay yan kaya madalas sya ang nauubusan.

Career Man

  • More than 30 websites nya ang nagawa nya for different companies sa Pinas  and other Countries… Astig di ba? Pero yung sarili nyang Site di pa nya naayos… ano ba yan?
  • Sya lang yata ang alam kong naging High School Teacher and Instructor sa College na two years course lang ang natapos.
  • He is one of the few Visit Visa dito sa UAE na Manager agad ang unang naging Position sa Company.
  • 50 wpm ang typing speed… (whew) and ang galing mag photoshop at alam yata nya lahat ng graphic design software.

Magician/Billiards King/Videoke King

  • Isa pang  Astig na talent nitong kuya ko ang galing sa pag mamagic… dami nga nyang nabobola and napapabilib sa bilis ng kamay nito… mapa cards, coins, glass, at kung ano ano pa.
  • Ang galing din mag billiards nitong mokong na to madalas pag pinapanood ko tong maglaro halos maubos nya yung bola, kaya mabilis  din sa chicks eh. *peace*
  • Ayun pa magaling din kumanta anong panama ni Renz Verano he.he.he. Pindutin na ang # 01543 Bailamos nga dyan at makabagbag damdaming Pain in my heart.
  • May isa pa pala syang talent mag Guitar kaya lng mukhang kulang na sa practice bihira na kase sya humawak ng gitara puro keyboard na ang tinitipa nya.

Ano pa bang masasabi ko dito sa kuya ko dami nyang talent no, ewan ko ba naman nung nagsabog ng talent ang dyos mukhang sya lahat nakasalo at di man lang ako naambunan. Pero kidding aside Happy Birthday Kuya alam ko medyo malungkot kase 1st Birthday mo to dito sa UAE and walang bonggang bonggang handaan tulad ng nakagawian mo sa Pinas, tapos inaway pa kita kanina. he.he.he

Ayan bati na tayo ginawan na kita ng bonggang bonggang Blog Entry.

Wish ko sana matupad lahat ng wish mo. Happy Birthday and Happy New Year uli!