Archive | June, 2009

Needs vs Wants!

22 Jun

Mahirap daw ang buhay ngayon, mahal ang bilihin, maliit ang sahod, mahal ang gasolina kaya mahal din ang pamasahe pero parang hindi ko naman maramdaman na talagang nag hihirap nga ang tao. Pag pumunta ka sa mall makikita mo ang mga tao na magaganda ang bihis bitbit ang kanilang 3G and Wi-Fi ready na cellphone. Sa isang sulok naman makikita mo ang mga teen ager na naglalaro ng kanila mg PSP at nakikinig sa kanilang Ipod.

Hindi nga ba dahil sa maluluho lang tayo kaya nararamdaman natin ang hirap, subukan kaya nating alisin sa sistema natin ang mga bagay na hindi naman ganoon kaimportante sa buhay natin mga bagay na kaya nating mabuhay kahit wala sya.

41. needs and wants

Naalala ko pala bago ako magbakasyon sa Pinas bumili ako ng bagong cellphone dalawa sya terno kame ng fafa ko silver sa kanya pink sa akin. Actually di ko naman talaga kailangan bumili nito dahil may ginagamit pa naman ako at may mga lumang cellphone pa na nakatambak lang sa closet ko. Kaya lng talagang nanaig ang kayabangan ko sa katawan syempre kailangan pag uwi ng Pinas maganda ang cellphone di ba medyo pasikat ka, syempre nga naman abroad di ba?

Pag nakikita ko ang lumang cellphone ko na ginagamit ko n lng bilang alarm clock dahil walang silbi ang roaming sa akin. Napapaisip ako marami pa sana akong magagawa sa pera:

  • Sana ni full payment ko na lnga tuition ng anak ko kesa half sem lang binayaran ko.
  • Sana pinangdagdag ko na lng sa budget para pambili ng Copying machine sa itatayo naming business sa Pinas.
  • Or just save it for the Rainy Days

Mahirap kase talaga i identify kung ano ang talagang kailangan mo sa gusto mo lng dahil nagandahan sa design or dahil paborito mo ang kulay or ayaw mo lang pahuli sa uso.

Hindi naman masamang paminsan minsan eh i-pamper mo ang sarili  at bumili ng mga luho pero sa panahon ng  recession maganda na rin na magtiis tiis muna kung ano meron.

I just want to quote what Tita Libs said in one of her thread in plurk:

D most content, & hence the happiest and most fulfilled people I know are generally those who have made a choice about “enough being enough”

They have chosen to take themselves off the endless treadmill of needing the latest model of this and the latest model of that and decided that it is time to enjoy what they have before they are too old to enjoy anything.

Most of the “things” we desire we do not need. These “things” may make life easier or may provide a certain amount of pleasure but can I say I really need them and that without them my life is empty?

I will bet that most of the things you desire you do not really need and you would be able to live a truly content life without them.

uy nasan c kuya?
anasarmiento_30: nasa bahay
anasarmiento_30: bakit?
ayin manalansan: pakitawagan naman muna urgent.
ayin manalansan: ayaw mag online e.
anasarmiento_30: k
ayin manalansan: kc naguguluhan kmo c ate beng sa mga pinagagawa nia. Nagpapagawa daw ng 12pcs ng shirt ipapadala sa akin e ang usapan nga namin pipilitin ko lng ung 5pcs e.
anasarmiento_30: nagonline na
anasarmiento_30: buzz mo uli
ayin manalansan: sabihin u nlang na cguraduhin kay ate beng kung ilan lng ang gagawin kc nga pagpupuyatan pa nla un ngaun para madala ko tapos ang kalalabasan pla d ko rn madadala.
anasarmiento_30: ok
Advertisements

Happy Birthday… Philippine Independence!

12 Jun

happybirthday_text_blue-greenphilippine_flag

I’m celebrating two occasions today June 12, 2009.

  • It’s my Father’s Birthday today

Happy Birthday Pa, Thanks for being a good father and provider to us. Alam ko ang sacrifice mo sa pag tatrabaho sa ibang bansa. I know how hard working na malayo sa family mo …   more than 20 years, halos half ng buhay ko di ka namin kasama.

It’s time for you to relax and enjoy life with Mama and your Apo’s dyan sa Pinas. Kaya ngayon naman kame babawing magkakapatid, we’re here to support you and mama.

Thank you for everything…. Wish you all the best, Pa. Happy Birthday!

IMG_5469

  • Philippine Independence Day

Ngayong Araw din  natin ipinagdidiwang ang ika-111  Araw ng Kalayaan. Ito ang araw  na iprinoklama sa Kawit, Cavite ang ating kasarinlan; at kung saan ay winagayway ang ating bandila, at tinugtog ang ating pambansang awit, bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.

Ang sarap pakinggan ng pagiging malaya no… pero mas maganda sana kung  lumaya na rin  tayo sa kahirapan, lumaya na tayo sa pang aabuso sa mga namumuno sa Gobyerno na pangsariling kapakanan lang ang iniisip. Makapili na sana tayo ng mga taong magmamalaskit at magpapaunlad sa bansa natin para wala na tayong nakikitang kababayan natin na naghihirap at nagugutom.

Maligayang Araw ng Kalayaan Mahal kong Pilipinas.

Anibersari, Kalayaan atbp.!

4 Jun

June na naman pala… Kalahatian n ng taon at malapit na naman magpasko… haaayyyy sobrang bilis ng araw di mo mamalayan marami ng  nagyari sa buhay mo…..

Noong bata pa ako sobrang excited ako s pag pumapasok na ng buwan ng June… ibig sabihin kase may bago na naman akong gamit sa eskwela… isasama na naman ako ni nanay mamili ng gamit sa National Bookstore at pag may sobrang pera eh kakain din kame ng Spaghetti sa Jollibee. Nakakatuwang pagmasdan ang mga nag gagandahang bags, lunch box at pencil case na may drawing na paborito mong cartoons at mga notebooks na may iba ibang picture ng artista sa That’s Entertainment. Pero dahil hindi naman marami ang pera ni nanay kailangan lng swak sa budget ang pipiliin mong gamit. Super excited din ako nung unang pasok ko sa College pero hindi na dahil sa bagong gamit sa School, mas nakakaexcite yung marami kang mamimeet na mga bagong classmate. At syempre ibang level na rin yun kaya medyo serious ka na sa studies mo.

Pag pumasok na ang ang buwan ng June syempre hindi pwede mawala ang bagyo sa eksena. At syempre pag ganyang malakas ang ulan at hangin madalas eh suspended ang klase. Ang saya sya kaya ng buhay estudyante pag ganyang iniannounce na ng Pag- Asa na walang pasok. Minsan lng ang nakakainis kung kialan nakapasok ka na sa School saka naman mag aanounce ng suspension. Pero nung College ako gustong gusto ko yung ganyang eksena kase nakahingi na ko kay mama ng baon hehehe… sa Sm Centerpoint na lng ang diretso.

Isa pang magandang pangyayari pag buwan ng Hunyo eh yung Araw ng Kalayaan… syempre Holiday wala na naman pasok yan, di lang mga estudyante ang matutuwa dahil walang pasok pati mga empleyado kung magtatrabaho ka naman ng araw na yan eh maganda rin kase  tumataginting na double pay ang naghihintay sa’yo, oh di ba ang saya saya.

June din ang paboritong buwan ng mga gusto mag pakasal bakit nga ba? Sabi nila swerte daw lalo na pag 1st day of June ka ikinasal. Totoo kaya yun… hmmmm kahit ano pa yan nasa mag asawa na lng yan kung gaano itatagal ang relationship nila di ba…

Napakahaba ng Pasakalye ko, hehehe… ang gusto ko lang naman eh i greet ng Happy  Anniversary ang Kapatid kong maldita at ang bayaw kong si Jeff. Nasa Pinas sila ngayon for their Annual vacation at icelebrate na rin ang kanilang anniversary. Pasalubong ko ha.

wedding

Happy 1st Wedding anniversary Ayin and Jeff… Wish ko sana magka baby na kayo para naman maipakalat na ang kagandahan ng lahi natin… hehehe