Archive | August, 2009

Thanks God it’s my Birthday!

30 Aug

banana_split1

Thank you Lord for another year…

For all the blessings you showered upon me.

For my family who support me in everything i do, who shape me to become a better person…

My hubby for making me feel I’m the most beautiful woman, for his love and care…

My daughter who always makes me smile, she’s the reason for everything…

My friends who always there for me thru ups and down…

Thanks for this wonderful day!

Advertisements

Mahiwagang Plastic

26 Aug

Naalala ko nung nasa Pinas pa ako nagtatrabaho ilang beses akong sumubok umapply ng Credit Card at ilang beses na rin akong nareject. Kahit anong daya yatang gawin ko sa pag doktor ng payslip ko at pag suhol sa HR at Account eh hindi pa rin ako maaprove approve. Parang ang saya saya kase magkaroon ng Credit Card parang lahat ng bagay eh abot kamay mo lang. Bukod pa dyan eh medyo sosyal ang tingin sa’yo iba ang dating mo bigatin… pero ang totoo eh wala kang pinagkaiba sa mga kapitbahay mong nangungutang sa Bumbay.

42-17017132

Nung napadpad ako  sa disyerto dito ko naisakatuparan ang pangarap kong magkaroon ng credit card. Dito kase ikaw ang hahabul habulin ng mga credit card companies. Wala pa yatang 3 mos. ako dito sa company ko nung napasakamay ko ang una kong credit card na nasundan pa ng isa at isa pa uli. Parang napakahirap tanggihan ang mga agent na napakaganda ng mga sinasabi tungkol sa ibinebenta nila andyan yung walang Annual fee, Low Interest Charge, No hidden charges, Free na ganun free na ganyan. May mga kabayan din na agent na hindi rin mapahindian dahil kailangan nila ng client at dahil wala naman annual fee go lng ng go pwede naman daw hindi ipaactivate at pangdidisplay na lng sa wallet. Pero di naman nangyayari sa totoong buhay na ididisplay mo lng yun dahil pag naubos mo na ang credit limit sa isa mong card eh wala ka ng magagawa kungdi ipaactivate ito.

credit card

Sa mga oras na ito eh alam nyo bang gusto ko sumugod sa opisina nila… Gusto ko magdala ng isang bayong na pera at isampal sa kanila sabay gugupitin ko sa harap nila ang Credit card ko. Nakakaasar lang kase ilang buwan na akong na chacharge ng overlimit fee ng 150 AED (roughly around 2K Pesos), nung una hindi sila nag inform na binabaan pala nila ang Credit limit ko dahil daw sa recession chorva na yan kaya na over limit ako. Ok fine andyan na eh naicharge na nila di ang ginawa ko binayaran ko na ng medyo malaki nung sumunod na buwan so ineexpect ko ala ng charges. Pagdating na naman ng sumunod na buwan may over limit fee pa rin ayun mega tawag naman ako sa Customer Service nila.  Kung ano anong computation ang pinagsasasabi nila at mga kung ano anong charges, insurance credit shield.  Sa totoo lng sa dami ng sinabi ng Pana na CS na sobrang bilis magsalita eh wala kong naintindihan. Yun yata talaga ang totoong  trabaho ng mga CS eh ang lituhin at asarin ang mg customer nila.

Plano ko ng iclose yung 3 kong Cards. I’ll just maintain 2 Cards ang hirap din kaseng magmanage ng Finances…. (bwahaha feelingera lang  wala naman talagang imamanage). Madalas din kase ako macharge ng late payment iba iba din kase ang due date nila… eh alam mo naman ako memory gap. Basta ang laki na ng kinita nila sa akin… enough na… ayaw na! Gagamitin ko n lng sya pag kailangan kailangan ko lng talaga. (Good Luck sa akin)

May advantage din naman ang pagkakaroon  ng Credit Card lalo na pag may emergency n kailangan mo ng pera.   Kailangan lng talaga Be Responsible sa pagamit nito. Identify your needs and wants ang think twice or thrice pa bago mo ibigay ang Credit card mo sa Cashier.

Happy Birthday My Dear Sister!

19 Aug

Happy Birthday Ayin

IMG_4839

Happy Birthday Sis! Thanks sa Treat… once in a blue moon lng to manlibre kaya lubus lubusin na… mamaya uli ha!

Syempre may wish ang ate para kay bunso…  Ay! kung anong wish ko sa’yo last year ganun na rin  ngayun… bwahaha…

Love You Sis! I want new pamangkin Now Na!

One Boring Day!

15 Aug

random-thoughts

Saturday, August 15, 2009 @ the office.

  • Gusto ko magdriving lesson… kaya lang medyo mahal kase ang pagkuha ng drivers license dito saUAE eh, as in mga 4K AED mga more or less 50K lang naman pag niconvert mo sa peso…. kamusta naman yun!
  • Lipat kaya kame sa Sharjah… mas mura daw kase ang accomodation don? tapos mas malapit kesa manggagaling ng Abu Dhabi since parehas kme ni kuya sa Jebel ali nagwowork.
  • Sobrang nabobored ako dito sa work ko ngayon parang walang advancement… walang challenge…! Tiis lang kase mas di hamak naman na mas malaki ang kita dito kesa sa Pinas.
  • Namimiss ko yung dating work ko sa Pinas yung busy ka pero hawak ko ang oras ko, tapos iba iba ang mga namemeet mong tao , iba iba ang napupuntahan mong lugar.
  • 1 year, 6 months, 28 days,  17 hours and 25 minutes na pala ko dito sa UAE
  • 1 xmas, 1 new year, 2 valentines, 1 birthday going 2 na pala ang nacelebrate ko dito sa UAE
  • Happy Birthday pala ng nephew kong si Raven tomorrow August 16.
  • Sa August 19 naman ang sister kong maldita naman ang magbibirthday.
  • Tapos magkasabay na magbibirthday ang mom ko tapos si hubby ko sa August 23… hehehe ang dami daming gastos celebration.
  • Tapos si Co-D Lhay at alaga kong si Muymuy sabay din magbirthday  sa August 24… EB? No… K!
  • 14 days, 11 hours, 42 minutes na lng rin  pala Birthday ko na naman.

At syempre tumatanggap ako ng gift in cash and in kind … hehehe kung walang wala naman eh Birthday Greetings lang eh ok na ko. What about Pibertdei pix…. makikigaya na rin sa ibang blogger hehehe…

anasarmiento_30@yahoo.com nga pala e-mail address ko… Salamat!

Tie a Yellow Ribbon

5 Aug

In Memory of President Corazon Aquino (1933 – 2009)

May you Rest in Peace in God’s Loving Arms!

Yellow_ribbon2

I was 9 yrs. old when Edsa People Power Revolution happened, sino ba naman ang makakalimutan sa Theme song na to ng People Power na till now hindi sa pag aano ha, eh medyo kinikilabutan pa rin ako pag naririnig ko. Kase i remember during those times ang daming sundalo, mga naglilipadang tora tora, mga malalaking tangke sa daan parang feeling ko non End of the World na. Pero parang miracle ang nangyari dahil instead na umulan ng bala eh umulan ng rosary and roses. At nakaktuwang tingnan na magkasamang nagkapit bisig ang mga sundalo at mga alagad ng simbahan.

Thank you President Cory Aquino you will truly be missed and remembered.