Archive | May, 2008

3 Days to Go

27 May


Have a Nice Trip

Yes, 3 days to go and I’m home, I’m very very excited to see my family especially my Daughter and Hubby. I’m just hope 2 weeks is enough to have quality time with them. I will surely treasure every moment that we are together.

Working abroad is not that easy, there are times that I experience what so called “homesick” especially during Fridays that I have no work. To lessen the loneliness I keeps my self busy doing the household chores and go malling afterwards. I am lucky because my sister is with me but to the others who is alone and no immediate family here it’s very difficult. You need to sacrifice working here for your family, to give them good life.

When I heard from my line manager that I am entitled for 2 weeks paid vacation I immediately contact several Travel Agency to find a booking. So on the 30th, 3 days to Go i”m flying to Manila via China Airlines I’m very much excited. I’m hoping for Safe and Happy Trip!!!

So maybe i’m on hiatus mode during that time. Just keeps on dropping by and i will try to update my blog and share my happy moment with you.

See Yah!

Advertisements

Biyahilo… Taj Dubai Cruise

15 May

Last May 8, 2008 Thursday, we have our company Social Event a sunset dinner cruise in Taj Dubai. May pasok pa kme ng araw na yon 3:30 alis ng service papuntang Dubai, kaya 2:00 pm pa lang tapos na ang work lalo na ang mga girls dahil syempre mega make over pa sila.


Dinner Cruise Invitation

Dahil nga maaga kmeng aalis papuntang event hindi kame kumain ng lunch nagnoodles lang kme ng officemate ko. Sabi kase namin babawiin namin sa cruise lamon kung lamon talaga ang gagawin namin.

Dumating ang 3:30 sumakay na kme sa service namin di pa nakakalayo aba medyo pumapalya ang makina, (sa isip ko naku wag naman ngayon baka di kame makasama sa party) so itinabi saglit ng driver yung bus at medyo may kinalikot and presto… ok na daw ulit. Tinulungan pa kme ng isa pang bus service na maiayos ang sasakyan.

Ayun, bumiyahe na kme medyo nangangalahati n ang natatakbo namin ng tumawag ang isa kong officemate na flatan daw bus nila. Di naman kme puwedeng bumalik kse pare pareho kme maiiwan ng cruise. Nagdecide na lng sila magpababa sa pinakamalapit na lugar na pwedeng mag-abang ng taxi… Grabe pa namn sa Dubai kulang ang isang oras bago ka makasakay ng taxi.. sa madaling salita di sila nakarating sa oras 5:00 PM kase nagdecide na yung incharge sa event na paalisin na ang cruise, Sayang mostly pa namn sa nakasakay sa bus na yon Pinoy.. sayang ang mga outfit and make over.

Kahit malungkot dahil di nakasama yung ibang officemates… cruise must go on, inenjoy na rin naming ang cruise party , picture taking to the max ang nangyari.. After I hour na kaming nasa laot aba… medyo nahihilo ako ewan kung dahil sa alon ng dagat o dahil sa gutom dahil almost 7 PM na di pa kmi kumakain. Nang iannounce na pwede ng lumafang pila kme sa buffet pagtayo ko umiba ang pakiramdam ko lumala ang pagkahilo ko, at medyo nanlamig ang pakiramdam ko… pero pinilit ko pa rin makakuha ng food dahil baka nga gutom lng… pero ano to Arabic food pala ang buffet hate ko pa naman those kind of food… so no choice kundi kumain na rin pinili ko na lang yung kaya kung kainin. Binawi ko na lng sa cake and fruits.


Picture picture muna with the Pinay Officemates..


Drinking session


Taj Dubai Main Deck


View from outside

Meron pa daw ulit Social Event this coming July sana sunod kumpleto na lahat ng staff, at sana mas masarap ang food para mas enjoy…

-kalas-

Happy Mother’s Day

11 May

I want to make this post as Tribute to all mother in the world, especially for my mom. Happy Mother’s Day to all.

Mahirap ang maging isang ina, naranasan ko yan ng napreggy ako sa aking unica hija. Mahirap ang paa-aalaga ng bata sa sinapupunan ng siyam na buwan at pagdumating ang takdang araw na lalabas na sila hirap ang pinagdadaanan ng isang ina.

Natatandaan ko pa kung paano ako pinalaki ng aking ina, hirap man kame sa buhay naitaguyod nya kaming magkakapatid. Masasabi kung hindi typical na nanay ang aking ina katulad ng ibang nanay na naglalaba, nagluluto, nag-aalaga ng bata, sasamahan ka sa mga activities mo sa school, sa enrollment lagi mong kasama. Pinalaki kameng independent natututong tumayo sa sariling paa, maagang natututo ng gawaing bahay, at magdesisyon para sa aming sarili.

Nuong maliit pa ako naiinggit ako sa mga classmates kong hatid sundo ng kanilang nanay. Laging umaatend ng mga PTA meetings. Sabi ko sa sarili ko bakit kaya sila laging kasama ang nanay nila. Kahit ng enrollment ng college may mga estudyanteng kasama pa rin ang kanilang nanay. Iniisip ko na lng baka marami silang pera kaya di na kailangan magwork ang mga nanay nila.

Pero kahit hindi siya tulad ng ibang nanay THE BEST pa rin sya para sa akin nararamdaman naming magkakapatid na mahal na mahal nya kme. lumaki kameng maayos, napagtapos ng pag-aaral at may maayos na trabaho.

Ito ang unang Mother’s Day na magkalayo kame ng mama ko dahil nandito ako sa UAE para magtrabaho. Pero kahit malayo ako sa kanya di ko nalilimutang sabihin ang katagang I Love You everytime ng magkausap kame sa phone, o nagchachat. Para sa mama ko Thank you for all the love, thank you for taking care of my precious Kat Kat. You are the coolest mom in the whole world. Thank you and I love you.

Japanese Tag

10 May

Gawin ko muna ang tag na pinamana sa akin ni Rhapsody. Natuwa kase ako sa mga japanese name ng mga unang gumawa ng tag may tunog anime, may parang myembro na yakuza , may bastos pakinggan. Yung name ko kaya magandang pakinggan…

Here’s the instructions:

Add your name on the list and simply spell out your name using the given Japanese-translations shown below. Tag 6 of your friends and inform them of the tag. Have fun friends!

TRANSLATION:

A – ka        G – ji        M – rin        S – ari        Y – fu

B – tu         H – ri        N – to        T – chi        Z – zi

C – mi       I – ki         O – mo      U – do

D – te        J- zu         P – no        V – ru

E – ku       K – me      Q – ke        W – mei

F – lu        L – ta         R – shi       X – na

Ang Japanese translation ng name ko Ana.

“ka-to -ka”

ang sagwa yung full name ko kaya Analyn

“ka-to-ka-ta-fu-to”

lalong sumama ah… he.he. funny tag, gusto nyo malaman japanese translation ng name nyo. aba… ano pa hinihintay nyo gawin nyo na… tag ko kayong lahat.

Pinas… here i come!

7 May

Matapos ng mga ilang araw na nalungkot… nagalit… naasar… sumikat din ang araw para sa akin. Totoo pala ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong minsan nasa ilalim minsan nasa ibabaw.

Yipee!!! ang saya ko ngayon… Maraming dahilan kaya masaya ako.

1. Na approve na ang 2 weeks Annual leave w/ pay ko. Nakabili na rin ako ng ticket pauwi ng Pinas. At nauto ko ang ever dearest sis ko sabi ko kase 2,500 lang ang budget ko sa air ticket eh 2,990 ang ticket na nakuha ko ayun sagot daw nya yung sobra. O di ba ang saya… saya.. non! Makaka attend ako sa wedding nila, pauwi rin kase sila for a vacation mauuna nga lang sila sa kin May 9 kase ang flight nila ako May 30 then magpapakasal sila sa Pinas this coming June 1, tapos sabay sabay na kame pabalik dito.

2. Nakabili na rin ako ng something para sa sarili ko, bumili ako last Friday ng Digital Camera mura lang pero ayos naman trendy pa sya. Mega picture agad kame sa mall, gusto ko sana i share yung pix kaya lang naahihirapan ako mag add ng image.

Bumili din ako ng Contact lense nahihirapan na rin kase ako sa eye glass ko kaya try ko magcontact lense. Di rin pala ganon kadali magcontact lense imagine 30 minutes bago ko nailagay, tapos another 30 minutes para maalis, medyo gasgas na nga yata yung eye ball ko. Pero kanina 20 minutes lang naikabit ko na o di ba improving….

3. Si amo medyo bumait na ha… di na sya nag piPMS minsan na lang. Di na rin nya ako pinakikialam pag may kausap ako sa phone.. And ngayon ko lang napatunayan na kahit pala puro bad side ang nakikita mo sa tao meron din palang good side. Biruin mo binigyan ako ni amo ng 500 dirhams. Kase nalaman nya na nawalan ako ng petty cash na 1K, eh magrereimburse sya ng fuel nya worth 500 sabi nya sa akin wag ko na daw ibigay sa kanya para 500 na lang daw ang bayaran ko sa petty cash… nabigla ako biruin mo yon, concern din pala sya sa akin na touch ako don ha. Nakabawi na sya ng konti sa akin pero minsan nakakainis pa rin sya inuunawa ko na lang baka magkagalit lang sila ni misis nya.

4. May nalalapit na Social Event ang company naming this coming June 8, 2008. Sasakay kame sa Cruise (sozy) habang kumakain at umiinom ng wine, at nanonood ng paglubog ng araw…

5. At syempre ang lalong nagpapasaya sa kin… magkikita na kame ng family ko.. lalong lalo na ng aking unica hija sobrang miss na miss ko na sya. Tamang tama ang uwi ko enrollment nila. Ako ang maghahanap ng magandang school para sa kanya, mamimili ng gamit nya sa school magmula sa school shoes, bags, notebooks, pencil at kung ano ano pa. Nalaman na nga nya na uuwi ako grabe sobrang saya nya.

Kaya nga ngayon pa lang gumagawa na ako ng schedule dapat din masayang ang 2 weeks vacation. Iniisip ko na nga kung saan maganda pumunta niyayaya kase ako ng sis ko mag Boracay medyo expensive nga lang pero sabi ko ok na rin minsan lang naman. And syempre bonding na rin w/ my hubby and my daughter.

Grabeee.. Excited na ko… Balitaan ko kayo pag nandon na ko… Pag-aaralan ko ng mag lagay ng image sa post para maging makulay naman site ko. Help!! naman mga ka blogsphere turuan nyo naman ako…

-kalas-