Pamilyang OFW!

7 Jul

Ang nakaraan

Four years ago sinubukang makipagsapalaran ng bunso kong kapatid sa bansang UAE o mas kilala sa tawag na Dubai. Hindi na bago sa amin ang pangingibang bansa dahil yun ang ipinangtaguyod ng ama ko sa amin magkakapatid. Isa akong anak ng OFW kalahati ng buhay ko ay wala si papa sa aming tabi , mahigit dalawang dekada si papa nagtrabaho sa bansang Arabo, mas piniling lumayo para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Maging si mama ay naranasan din mag abroad, 2 taon syang naging mananahi ng isang prominenteng pamilya sa Riyadh, isang typical na kasambahay no, day-offs, no overtime pay.

Hindi  man lang pumasok sa isip ko na isa sa aming magkakapatid eh pipiliing makapag trabaho sa ibang bansa partikular na sa Middleast. Lahat kameng magkakapatid eh may mga maayos na trabaho at maliit na negosyo na kahit papaano eh nabubuhay ng maayos sa pang araw araw. Bukod pa sa alam namin ang hirap ng buhay na malayo sa Pamilya. Si kuya ay nagsalita na rin minsan na hinding hindi sya mag aabroad, hinding hindi nya pipiliing malayo sa pamilya dahil para sa kanya sipag at tyaga lang ang kailangan maari mo ng marating ang mg pangarap mo sa buhay.

Ang pakikipagsapalaran

Subalit alam natin na walang permanente sa mundo lahat ay pwedeng magbago . Minsan di mo alam may ibang plano pala ang tadhana para sa’yo. To make the story short, matapos ang ilang buwan sumunod na rin ako sa kapatid ko dito sa UAE.

Tuluyan na ring kinain ni kuya ang sinabi nyang di mag aabroad. Pinili na rin nyang makipagsapalaran sa ibang bansa ng subukin sya ng tadhana. Nilimas ng magnanakaw ang computer business nya sa Pilipinas na ilang taon rin niyang pinghirapang ipundar. Bukod pa sa kakapusan dahil sa lumalaking pamilya, kakapanganak lang ng kanyang asawa sa pang apat nilang anak.

Naging maayos ang pakikipagsapalaran namin sa UAE, nabiyayaan ng maayos ayos na trabaho at napupunan naman ang lahat ng pangangailangan ng pamilya. Masaya kame sa puntong ito subalit ang pagkamiss sa pamilya ang unti unting nagpapabigat ng buhay dito sa disyerto. Hindi kailanman matatakpan ng salapi at materyal na bagay ang presensya mo bilang ina, anak at kapatid. Ang mga panahong kailangan nila ng kapiling pag masaya o malungkot man sila.

Ang Bakasyon

Dalawang beses ako kung umuwi sa Pilipinas sa loob ng isang taon, magastos sobra pero aanhin mo ang pera kung ang kapalit naman eh lungkot hindi lamang sa side mo kundi sa mga naiwan mong mahal sa buhay. Kung single lang siguro ako, kaya kong hindi umuwi ng straight 5 years. Ngunit may  anak akong kailangan ng gabay ng isang ina. Wala pang sasaya pa sa isang ina na makita ang kanyang anak na nakangiti at tumatalon sa tuwa habang sinasalubong ka sa Airport, priceless ika nga.

Gustuhin ko mang umuwi sa Pilipinas for good para makasama ko na sila, ang mga pangarap ko para sa kanya ang syang nangingibabaw. Alam kong hindi ko kikitain sa Pilipinas ang kinikita ko dito, alam naman natin kung gaano kahirap ng buhay sa Pilipinas. natatakot akong di sya mapag aral sa maayos na school or maibigay ang gustong gusto nyang laruaan at matikman ang mga paborito nyang pagkain, kaya lagi kong pinagdarasal sa panginoon  na sana isang araw makasama ko sila dito sa Abu Dhabi.

Ang pagdating

Ako na yata ang pinakamasayang tao noong araw na maaproved ang visa ng family ko. Sa wakas magkakasama na ulit kame, personal ko ng magagabayan ang paglake ng anak ko at magkakatuwang na kame ng asawa ko sa paghahanapbuhay. Pagtutulungan naming mag asawa ang aming kinabukasan, ang makapag ipon agad at makabili ng bahay, makapag tapos sa maayos na skwelahan ang anak ko at makapagtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas para kahit papaano ay makatulong sa mga kamag anak kong walang trabaho.

Ang pagbabalik

Sa ngayon ang ay nandito kameng magkakapatid sa Abu Dhabi kasama ang aming mga sariling pamilya. Panandalian namin iiwan ang Pilipinas kasama ang taimitim na dasal na sana ay maging matagumpay ang pakikipagsapalaran namin sa disyerto.

Alam kung dadating ang araw na babalik kame sa lugar kung saan nandon ang puso namin, ang lugar kung saan kame magiging masaya. Masarap pa rin manirahan sa sarili nating bansa, di man kaseng alwa ng buhay na tinatamasa sa UAE, wala pa rin hihigit sa simple, masaya at masaganang pamumuhay sa bayan mong sinilangan kapiling ang mga mahal mo sa buhay.

Ang post na ito ay aking entry sa Pinoy Expat / OFW Blog Award (PEBA). Kung nagustuhan nyo po ang aking sinulat bisitahin po ang kanilang website http://www.pinoyblogawards.com/ pakivote po ang nominee no. 10 – Ang blog ni Ana Banana.

Maraming Salamat po!

28 Responses to “Pamilyang OFW!”

  1. Rodel Jaboli July 10, 2011 at 4:33 am #

    another peba nominee… good luck… patuloy tayong magbigay isnpirasyon para sa iba…

  2. doon po sa amin July 10, 2011 at 5:41 am #

    hello, ana.

    maganda ang iyong pagkakalahad ng inyong kwento bilang pamilya ng mga OFW na may mga pangarap at umaasang isang araw ay babalik pa rin dito sa atin para ituloy ang pakikipag-buno sa buhay. simple, walang arte, kumbaga…

    keep on writing and regards! 🙂

    • ana_banana July 13, 2011 at 6:36 pm #

      Hi! salamat po sa muling pag daan, natutuwa naman ako na nagsutuhan nyo ang sinulat ko, kahit napakasimple ng pagkakalahad 🙂

      • doon po sa amin July 15, 2011 at 12:07 pm #

        my pleasure. ay, oo, magaan at malinaw kayong magkwento, ms. ana banana. 🙂

  3. malditangayin July 10, 2011 at 5:42 am #

    Naiyak naman ako dun sis…. actually kulang ang 10 page sa blog na to para mai-describe ang hirap at sarap ng experience natin dito sa UAE pero at least fight fight pa rin. Good luck sa entry mo, guluhin natin ang mundo ng FB 😀

    • ana_banana July 13, 2011 at 6:38 pm #

      Korak sis, kulang talaga ang 10 pages, sobrang sinummary ko lang ang experience natin sa UAE, if I’ll go on to details baka maiyak lahat ng makakabasa hehehe… Thanks sa support mwaaahhh

  4. Jyppe A. Quidores July 10, 2011 at 3:49 pm #

    “Kung single lang siguro ako, kaya kong hindi umuwi ng straight 5 years. Ngunit may anak akong kailangan ng gabay ng isang ina. Wala pang sasaya pa sa isang ina na makita ang kanyang anak na nakangiti at tumatalon sa tuwa habang sinasalubong ka sa Airport, priceless ika nga.”

    Tama nga po kayo, pero kahit single po, iba parin ang pakiramdam na maka-uwi and makasama ang pamilya kahit short time lng.

    • ana_banana July 13, 2011 at 6:41 pm #

      Yes po iba talaga ang feeling pag nauwi, super saya!
      Thanks po sa visit Jyppe, Good luck po sa atin sa PEBA

  5. BuhayOFW July 10, 2011 at 9:18 pm #

    napa wow ako sa inyong sinulat dahil isa iyan sa mga inaasam talaga ng bawat pamiyang OFW na makasama nila ang kanilang pamilya sa abroad. isa itong napakagandang istorya at maaari ko siyang isama sa sulating BuhayOFW kung iyong pahihintulutan….

    • ana_banana July 13, 2011 at 6:47 pm #

      Thanks po, It’s my honor po na maisama sa inyong Buhay OFW site, but I’m afraid lang po kung pwede itong ipublished sa ibang site since it’s official PEBA entry. I’ll write na lang po a new inspiring article for you.

      Thanks po sa dalaw 🙂

  6. Printsonalized Datcom July 11, 2011 at 11:43 am #

    Great stuff Ana! Naiyak tuloy ako 😀

  7. diarynigracia July 13, 2011 at 4:41 pm #

    Hello Ms. Ana B..
    Diary ni gracia here po..
    Nice.. truly blessed po kayo at lahat kayo ay nandiyan naman po.. mabuti kung ganun po. Nagtutulungang tunay po. Ganyan din po gusto ko sa family namin makuha ko sila from Phils to Kuwait po…

    God bless sa hangarin po natin..

    Ay pwede po ba???
    Exchange po tayo ng kung ano-ano… link, fan page comments..lahat ng pwedeng i-exchange po.. ,…

    Kind Thanks.

    • ana_banana July 13, 2011 at 6:44 pm #

      Hi! Gracia, mabuti naman at naligaw po kayo sa blog ko…. yes we are so blessed kaya po sobrang thankful po ako kay God.

      Of course naman I’ll link you up! hanapin din kita sa iba ang social networking site.

      Happy to have a new friends tru PEBA… Goodluck po sa atin 🙂

  8. danilo albesa July 13, 2011 at 6:32 pm #

    goodbless ana at sayong pamilya dyan…..

    • ana_banana July 14, 2011 at 11:40 am #

      Thanks Papa Danny! Ingat po kayo dyan 🙂

  9. superlolongpinoy July 19, 2011 at 9:17 pm #

    Nakaka-inspire ang kuwento ng inyong pamilya Ana. Hanggang sa panibagong buhay at pikikipagsapalaran sa ibang bansa. Gusto ko yung huli mong sinabi ang pangarap na pagbalik sa lupang sinilangan. Ako man nangangarap na muling babalik. God Bless!

  10. n3tte August 10, 2011 at 3:44 am #

    God bless Ana sau a sa family mo…TC!

  11. Pong August 10, 2011 at 9:18 pm #

    Hindi biro ang maging OFW kaakibat nito ang sakripisyo, pagtitiis at pagtitiyaga. Natutuwa po ang puso ko at magkakasama na kayo ng pamilya niyo diyan sa Abu Dhabi maging ng mga kapatid mo. Sabi niyo nga po ito ay pansamantala lamang dahil naniniwala pa rin ako, kahit anong ganda ng buhay na tinatamasa ng isang Pinoy sa ibang bansa, uuwi at uuwi siya sa bansang sinilangan hindi man pisikal bagkus kahit sa puso’t isipan man lang.

    Pagpalain pa po kayo lalo ng ating Diyos at ang inyong kani-kaniyang pamilya diyan!

  12. missgreenbellpepper August 15, 2011 at 2:15 pm #

    Very inspiring nman ng kwento mo Miss Ana. Tama ka ang importante ay sama sama kayong pmilya. Anak din ako ng isang OFW. Si Ate nsa Gitnang Silangan nman ksama ng pmilya nya. Ako andito din sa mlayo at ngbubuo ng pamilya. Eventually we will settle down kung san talaga tayo masaya. Sabi nga nila Home is where the heart is. Kung san at home ang puso natin khit nasa mlayong lupain, dun tayo.

    I love your photos. Nkangiti lahat. A perfect picture of a happy family. 🙂

  13. mommy-razz August 24, 2011 at 12:35 pm #

    very nice post..Good luck!

  14. Buhay Abroad September 2, 2011 at 6:21 pm #

    Mas kampanti ka kapag ang iyong pamilya ay palaging kasama mo sa buhay. Hindi na de-divide and isip mo. Sa iyo Ana at sa iyong pamilya goodluck.

  15. Dyi Bee September 6, 2011 at 9:35 am #

    ganda…!

    goodluck and godbless….

  16. ria buensuceso September 6, 2011 at 11:40 am #

    nice one ana!

  17. dregm September 26, 2011 at 2:19 am #

    Maganda ang pagkakalahad mo ng iyong kwento. good luck!

Trackbacks/Pingbacks

  1. PEBA Nominee No. 10 | - July 26, 2011

    […] entry entitled Pamilyang OFW is the summary of my 3 years as an OFW here in Abu Dhabi . This is the story of my struggles, […]

  2. It’s my 4th Year! | - March 16, 2012

    […] Pamilyang OFW – Super memorable din tong post ko na to kase ito yung 1st time kung sumali sa blogging […]

Leave a comment